Chapter 5

1364 Words
Chapter 5 Athena's POV Naghahanda na kami ngayon para sa Highschool Night mamaya. Nagcheck in kami nila Nyx sa hotel para daw mas mapadali ang pag-aayos namin. Syempre, we're girls. We need three hours to do our hair.  "So, kamusta kayo ni Phanes?" Tanong ni Lyssa. "Walang kami, okay? Naawa lang ako sa kanya kasi wala siyang date kaya pumayag ako." Okay lang naman sigurong laitin ko si Phanes dito di ba, wala naman siya eh. "Don't you like him?" Tanong ni Lyssa. "I don't, more like I can't like him." Sagot ko. "You still have that promise with your parents?" Tanong ni Nyx. Oo nga pala, alam ni Nyx ang proposal na ginawa ko sa mga magulang ko. "Of course. Hindi na mawawala iyon." Sagot ko. "What promise?" Clueless na tanong ni Lyssa. "Nothing." Sagot ko nalang. Mabuti naman at naintindihan ni Lyssa iyon ay hindi na niya pinilit pang malaman. Wala akong planong sabihin sa kanila ang bagay na iyon dahil wala rin namang magbabago. Bumaba na kami para i-meet yung mga guys sa tapat ng hall na gaganapan nung party. Nakasuot ako ng black na gown. Red kay Nyx at white naman kay Lyssa. Kapag katabi namin si Lyssa, mukha kaming katulong. Wait, masyado namang degrading. Sige, mukha nalang kaming back-up dancers. "Nandito na sila." Sabi ni Hades tapos nag whistle pa siya. Ang gwapo nilang tatlo ngayon. Ni hindi ko nga makilala, nagmukha silang tao ganun. Pero seriously ang gwapo nila ngayon. Parang ang swerte tuloy namin kasi ang ggwapo ng dates namin. "Nyx, ang ganda mo ngayon. Mukha ka nang tao. Cograts." Nag-blush naman si Nyx sa sinabi ni Hades. "Power of make up." Nawala naman ngiti ni Nyx sa sunod na sinabi ni Hades. Ayan, nabatukan ni Nyx si Hades kasi naman dinagdagan pa ng lait yung sinabi niya eh.  "Congrats din, umangat itsura mo. Di ka na mukhang lamang lupa, hayop ka na ngayon." Sabi naman ni Nyx sa kanya. "Pretty as always." Sabi ni Eros kay Lyssa. At ayun, halos mamula na yung buong mukha ni Lyssa. Napatingin naman ako kay Phanes sa kung anong magiging reaksyon niya. Nagulat nalang ako nang nakatingin din siya sakin at tsaka nakangiti. Bigla naming tumibok yung puso ko. Siguro dahil narin sa kagwapuhan ni Phanes ngayon. Hindi ito dahil nagkakagusto na ako sa kanya. Pero siguro malapit nang maka-move on si Phanes kay Lyssa. Ni wala manlang kasing bakas ng selos sa mukha niya nung makita niya si Lyssa at Eros. "Beautiful." Sabi niya sakin dahilan upang mag-blush ako. Peroo agad ko naming iniwas yung tingin ko sa kanya para hindi niya makitang nahihiya ako. Baka kasi mamaya sabihin niya na kinikilig ako sa kanya, eh ako mismo nagsabi na wag siyang magkakagusto sakin. "A-alam ko." Yan nalang ang nasabi ko at tumabi na ako sa kanya. Sabay sabay kasi kaming papasok at syempre kailangan naka-kabit yung kamay ko sa braso niya. Pinagtinginan agad kami pagkapasok naming sa loob ng hall. Napansin ko lang na ang hilig nila Nyx sa atensyon. Gusto nila yung laging grand entrance. Yumuko naman ako kasi nahihiya ako. "Chin up, my lady. You look nice tonight to its best if you brag it." Sabi ni Phanes na nagging dahilan upang magkaroon ng butterflies sa tiyan ko. Nagsimula na yung party. At dahil si Nyx ay part ng committee ay siya yung nagbigay ng speech na enjoy the night, yung mga ganun. Pagkatapos ay may mga bandang tumugtog. Di ko nga alam na meron palang bands yung school naming. Meron ding mga intermission performances like mga dance troupe and choir. "Ang galing ng dance troupe ng school di ba? Maraming beses na silang nanalo. Part si Hades niyan dati pero nag-quit siya nung second year kami." Sabi ni Nyx. "Bakit naman siya nag-quit?" "Di ko rin alam eh." Maya-maya ay biglang tumugtog yung pang slow dance. Marami akong nakikitang lalaki na nilalapitan yung mga gusto nilang babae para yayaing sumayaw. Nilapitan narin ni Hades si Nyx para sumayaw. Ganun din si Lyssa. Bigla namang may lalaking pumunta sa harap ko. "May I have this dance?" tanong ni Phanes. Hindi agad ako naka-reply sa kanya. Kasi the way he offered his hand to me was so handsome.  "Are going to accept my hand or you'll just keep staring at me and drool?" Pangaasar ni Phanes. "Feeler! May choice pa ba ako?" Sabi ko at kinuha ko na yung kamay niya."Kawawa ka naman kapag na-reject kita." Pumunta na kami sa dancefloor na malapit kila Nyx at Lyssa. Awkward na nilagay ko yung kamay ko sa shoulders ni Phanes. "Nagkaka-crush ka na ba sakin?" tanong ni Phanes habang naka-ngisi. Ay grabe siya oh, baka nga siya pa 'tong nagkakagusto sakin. "Feeler ka talaga. Di kita type no." Sagot ko na may halong pagtatataray. "Really? Sayang, kasi ikaw crush na kita." Napatitig nalang ako sa kanya sa sobrang gulat. May sumapi ba kay Phanes at ang weird ng mga sinasabi niya? At tsaka, crush? Ano tayo, grade school? "Anong pinagsasasabi mo?" Tanong ko. "I wonder. Well, its time to change partners." Sabi niya at humiwalay na siya sakin tsaka hinugot si Nyx mula kay Hades. Si Hades pumunta kay Lyssa at si Eros naman pumunta sakin. "Hello, Athena." Sabi ni Eros. "Haaay, sa wakas nakahinga rin ng maluwag." Natawa naman si Eros sakin. Finally, makakahinga na ako. Kanina kasi feeling ko pigil na pigil yung hininga ko eh. "What do you mean?" Tanong niya. "Si Phanes kasi, ang weird masyado." Sagot ko. "Do you like him?" "H-ha? Hindi ah! Never!" Sagot ko. Why is everyone asking me the same question? Mukha bang nagkakagusto na ako kay Phanes? "Alam mo, the more you deny your feelings, the stronger it gets." Sabi niya. Woah, I did not expect that from Eros. Kung manhid siya, bakit parang aware naman siya sa feelngs ng iba. May kutob ako na manhid-manhidan lang tong si Eros eh. "Seriously, hindi ko siya gusto." "Okay then." Sabi niya at ngumit ulit siya sakin. "How about you? Wala ka bang nagugustuhan dito?" "Meron." Nagulat naman ako. Kasi sabi nila Nyx parang wala daw interes si Eros sa lovelife. Pero ngayon nalaman ko na meron siyang gusto. See? He's not completely mahid! "Sino? Sino?" "I can't tell you. It'll be troublesome." Sagot niya sabay ngiti. Ang kalmado lang talaga ni Eros. Parang siya yung tipong sobrang bait. May chance na si Lyssa yung babaeng gusto niya pero hindi ko na muna sasabihin sa kanila na merong napupusuhan si Eros ngayon. Nang mag-change partners ulit, si Hades naman ang nagging partner ko at si Eros kay Nyx at si Phanes naman tsaka si Lyssa. "Grabe, ang hirap maging gwapo." Sabi ni Hades tsaka bumuntong hininga siya. "Bakit naman?" "Kasi ang daming gusting makipag sayaw sakin. Swerte mo nga Athena kasi nasayaw mo pa ako." "Sige, upo nalang ako para di ka mahirapan, gusto mo?" Sabi ko nalang. Natawa naman siya.  Maya-maya ay nagulat nalang ako nang makita kong nakatingin si Hades kay Phanes at Lyssa. Malungkot ang mga mata niya. Para bang may itinatago siyang pakiramdam na hindi niya pwede ipagsabi. Parang alam ko kung anong nangyayari. I know this look.  "Hades, wag mong sabihin na may gusto ka kay Lyssa?" Tanong ko. Mas nagulat ako nang ngumiti nang malungkot sakin si Hades. "Shh, please don't tell anyone." Sabi niya. Mas naging kumplikado ang lahat ngayon. Kahit hindi sabihin ni Nyx alam ko may namumuo narin siyang pagmamahal para kay Hades. Hindi na muna ako magsasalita sa ngayon. Aalamin ko nalang muna kung paano nila lulutasan ang pagiging complicated ng love life nila. Titignan ko muna kung mas mabuti bang maki-alam ako o hindi. Bakit ganun? People tend to want something na wala naman sa paligid nila o kaya naman ay kahit kailan hindi nila makukuha. Why do they try hard for something kahit alam nila na hindi iyon para sa kanila. Nag-change partners ulit. Bago humiwalay si Phanes kay Lyssa ay parang nagtawanan muna sila. Nagkabati na ba sila? Nakausap na ba siya ni Phanes ng maayos? Bakit parang bumigat yung dibdib ko. Ito na nga ba yung sinasabi ko eh. Na dapat talaga lumayo na ako kay Phanes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD