Chapter 6
Ilang araw narin ang nakalipas nung Party. Umiiwas na ako kay Phanes. Mahirap na kapag nangyari ang di ko inaasahan. Magugulo ang plano ko. Kung lalapit siya sakin, bigla akong magc-CR. Kung magiging partner ko siya sa isang experiment, magdadahilan ako para mapalitan yung partner ko. Lahat na ginawa ko para hindi kami maging magkasama.
Papunta na ako ngayon sa Mall kasi biglang nagyaya si Nyx mag-shopping. Nagyaya lang naman siyang mag-shopping kapag depressed. Ano or more like sino na naman kaya ang dahilan? Sana iba yung dahilan niya sa iniisip ko.
Sabi ni Nyx na nasa shoe department daw siya kaya naman dun ako dumeretso. Nakita ko siyang nagsusukat ng sandals. Kita sa mukha niya na malungkot siya.
"Nyx!" Tawag ko sa kanya,.
"Uy! Kanina ka pa?"
"Nope, kakadating ko lang." Sagot ko at umupo na ako sa tabi niya.
Kumuha narin ako ng isang sandals at sinukat iyon. Maganda to, bagay sa paa ko.
"So anong meron?" Tanong ko habang tinitignan yung sandals sa paa ko.
"Wala."
"You can't fool me, Nyx. Nagyayaya ka lang mag-shopping kapag depressed. Is this about Hades—"
"Don't even mention his name."
"Just as I thought."
After naming masukat yung sandals ay binili narin naming iyon. Marami-rami narin kaming nabiling damit. Napagastos pa tuloy ako dahil kay Nyx.
Sinasabi ko na nga bang si Hades ang dahilan. Hay, siguro oras na rin para mangialam ako ng konti. Bestfriend ko ang nakasalalay ditto at ayoko siyang nakikitang nasasaktan kaya naman sisingit na ako kung kinakailangan.
Kumain muna kami ng lunch sa isang restaurant.
"Nyx and Athena? Kayo ba yan?" Napalingon naman kami ni Nyx sa nagsalita.
Wow, si Hades pa talaga. May mga kasama siyang lalaki. Siguro mga iba pa niyang kaibigan sa ibang eskwelahan. Mukhang kadadating palang nila dito sa restaurant.
"Hades, una na kaming umupo dun ah. Sunod ka nalang." Sabi ng isang lalaki kay Hades. Tumango nalang si Hades sa kanya.
Umupo naman si Hades sa table namin.
"So, meron kayong shopping day?" Tanong niya.
"Depressed kasi 'tong si Nyx kaya nagyayang mag-shopping." Sagot ko.
"Depressed? Bakit naman?" Dahil sayo, manhid manhidan ka pa eh.
"W-wala wala." Nauutal na sagot ni Nyx.
Medyo awkward na pagkatapos nun. Umorder narin kasi si Hades ng pagkain niya at ditto narin siya kumain sa table naming. Eh di ba siya nga yung dahilan kung bakit depressed si Nyx tapos nandito siya ngayon kasama naming.
"Hades, gusto mo pa ba si Lyssa?" Nagulat kaming dalawa nang biglang nagtanong si Nyx.
Bigla biglaan naman ata niyang na-bring up yung topic. Siguro hindi narin niya napigilan. Pero mas nagulat ako kasi alam pala ni Nyx na may gusto si Hades kay Lyssa.
"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Hades habang pilit na ngumingiti.
"Bakit ba hindi mo pa inaamin?"
"Nyx, alam mong ayokong pinaguusapan 'to di ba?"
"You're a coward. Ayaw mong umamin kasi takot kang ma-reject." Pagpapatuloy ni Nyx.
"Tama na, Nyx." Kalmado na sabi ni Hades. Halata kong nagpipigil na siya ng galit niya.
"Alam mo, Hades. Pagod na ako." Sabi ni Nyx.
"Tama na, guys. Kain nalang tayo. Masyado na kayong tensed. Come on, chill out." Sabi ko hoping na mawala ang tension between the two of them.
"Bakit ka pagod? Hindi ko naman sinabing magustuhan mo ako ah!" Sabi ni Hades kay Nyx. Mukhang di na niya napigilan.
Nagulat din ako kasi alam pala niyang gusto siya ni Nyx.
"Pagod na ako nakikita kung gaano ka ka-miserable. Hindi ako pagod kasi gusto kita. Pagod ako kasi nakikita kitang nasasaktan. Ako yung napapagod para sayo. Ikaw, hindi ka pa ba napapagod?" Halos lumuha na si Nyx dahil sa mga sinasabi niya.
"Ano bang alam mo, ha!" This time nakatayo na si Hades.
Sa sinabi na yon ni Hades, napatigil na si Nyx. Mukhang nasaktan siya na parang tinrato siya ni Hades na outsider.
"Stop it, the two of you! Hades, pasensya na pero aalis na kami. Sorry sa mga nasabi ni Nyx." Sabi ko at hinila ko na si Nyx paalis dun.
Halos nakatulala lang si Nyx buong byahe pauwi. Hinatid ko nalang siya sa bahay nila. Sa sobrang sakit siguro ng mga nasabi ni Hades ay hindi na siya nakapagsalita pa. Ni hindi ko alam kung paano siya papasok ng school bukas.
Kinabukasan, halos hindi naguusap si Nyx at Hades. Ni hindi nga mabatukan ni Nyx si Hades eh.
Nandito kami ngayon sa classroom at inoobserbahan yung dalawa. Si Hades walang kasamang mga babae at nakasimangot lang mag-isa sa silya niya. Si Nyx naman nakasimangot lang din.
"Anong nangyari sa dalawang iyon?" Tanong ni Lyssa sakin.
"Sabihin nalang natin na nag-away sila."
Syempre hindi ko naman pwedeng sabihin na dahil sa kanya nagaway yung dalawa di ba?
"Hay, first time 'to ah. Parang hindi buo yung araw kapag hindi nababatukan ni Nyx si Hades." Sabi ni Eros na pa-joke.
"Anong nangyayari dito?" Napatigil ako nung marinig yung beses.
Si Phanes. Mukhang kararating lang niya. Nakalimutan kong iniiwasan ko pala siya. Ano bang pwedeng dahilan para makalabas ako ng classroom at tsaka babalik nalang ako pag malapit na magsimula yung klase.
"Ahh, may kukunin lang ako sa locker." Sabi ko at nagmadali na akong lumabas ng classroom. Hindi naman siguro mapapansin ni Phanes na iniiwasan ko siya.
Nang mag-lunch ay ganun parin, awkward. Pati kami nga nahahati eh. Kasi syempre yung boys kay Hades sumama. Tapos kaming dalawa ni Lyssa, si Nyx yung kasama.
Buti nga at humiwalay muna sila Hades, Eros, at Phanes. Para naman mas maka-iwas ako kay Phanes.
Pagka-dismissal ay dumeretso agad ako sa gate ng school. Nagsimula na akong mag-commute galing school dahil gusto ko nang matuto. Ayoko na ng sinusundo ako ng driver namin galing school.
Nagaabang lang ako sa labas ng tricycle nang may biglang nagsalita.
"Iniiwasan mo ba ako?"