Chapter 7
"Iniiwasan mo ba ako?" Alam kong si Phanes iyon kahit hindi ako tumingin. Ayokong tumingin sa kanya kasi baka tumingin ako sa kanya, may bigla akong ma-confirm sa isip ko.
"Hindi naman. Bakit mo natanong?" I tried to act normal.
"Bakit hindi ka tumingin sakin ngayon?"
"Aalis narin kasi ako eh."
"Hatid na kita."
Hindi ko alam na ganito pala kakulit si Phanes. Anong pwedeng dahilan para hindi na niya ako mahatid? At bakit niya ba kasiako ihahatid? Hindi naman ako pilay. May sense of direction naman ako.
"Ahh, wag na. Nakakahiya." Lame, lame excuse.
"Ano ba talagang problema? Kung tungkol to sa sinabi ko sayo nung party, just think of it as a joke." Napatingin agad ako sa kanya.
A joke? Gusto niyang isipin ko na joke lang yung mga sinabi niya? Bakit ako nasasaktan? Sinasabi ko na nga ba na kapag nakita ko yung mukha niya harap-harapan ay meron akong maco-confirm sa sarili ko. Hindi ko sasabihin kung ano 'yon.
"Tama, mas mabuti kung isipin ko nalang na joke yun." Sabi ko sa kanya habang tumatawa-tawa.
"Athena, galit ka ba sakin?"
"Hindi ah. Bakit naman ako magagalit?"
"Sige nga, tingin ka nga sa mga mata ko."
At dahil ayoko naman na sabihin niyang galit ako sa kanya ay napatingin na ako sa mga mata niya. "Ayan na, nakatingin na."
"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong niya ulit. Wag kang magpa-cute sakin, di uubra yan.
"Hindi nga sabi kita iniwasan. Ang kulit naman eh."
"Edi ihahatid na kita."
Hindi na ako nakapagsalita pa ulit dahil dumating na yung sundo niya sa harap namin.
"Pasok." Utos niya.
Andyan na eh, may magagawa pa ba ako?
Tahimik lang kaming naka-upo sa loob ng kotse. Ni hindi nga ako umiimik. Pwera nalang nung tanungin kung san yung bahay ko.
"Mag-kaaway ba si Hades at Nyx?" Tanong ni Phanes dahilan upang mabasag ang katahimikan sa loob. Buti naman hindi tungkol saming dalawa yung tanong niya. Dahil kung tungkol samin yun, nako baka bumaba ako dito kahit umaandar yung kotse,
"Ahh oo eh. Nag-away sila nung weekend."
"Bakit daw?"
"H-hindi ako sure." Ayoko naman na manggaling sakin kung bakit sila nag-away.
"Ganun ba."
After a couple of minutes ay nakarating narin kami sa labas ng bahay. Nakita kong nakapark yung kotse nila Papa at Kuya ibig sabihin nakauwi na sila. Haaay, kapag nalaman nila na may naghatid sakin sigurado akong pagkakaguluhan na naman nila ako mamaya.
"Thank you sa paghatid." Sabi ko habang lumalabas ng kotse.
Nakita ko naman na lumabas din si Phanes sa kotse. Ano ba yan! Bakit pa siya lumabas! Baka makita siya nila Kuya. Alam niyo naman ang mga Kuya, feeling tatay, feeling maangas kapag nakaharap yung boyfriend ng kapatid nila.
"Sana naman hindi mo na ako iwasan starting bukas." Sabi niya.
"Oo na. Sige, gabi narin. Uwi ka na." Baka kasi biglang lumabas sila Papa at tanungin siya ng kung ano ano. Mahirap na, baka isipin pa nila manliligaw ko 'tong lalaking 'to.
"Sige, goodnight."
Pinanuod ko lang yung kotse niya hanggang sa maglaho ito. Napa-buntong hininga nalang ako. Just as I thought, pagkapasok ko palang ng bahay ay pinagtatanong na ako nila Papa.
"Sino yung naghatid sayo?" Tanong ni Papa.
"Crush mo?" Tanong naman ni Mama.
"Classmate ko lang yun, okay?" Sagot ko.
"May crush sayo?" Tanong ni Kuya Andy.
"Baka naman kayo na tapos tinatago mo lang." Dagdag ni Kuya Ethan. Ay grabe sila mag-isip oh. Ganun ba ako ka-easy to get? No way.
"Wala nga, okay? Hindi ko siya crush at mas lalong hindi ko siya boyfriend! Hinding hindi ako magkakaroon ng boyfriend, okay?" Sabi ko at tumakbo na ako papunta sa kwarto ko.
Kapag hindi pa ako umalis dun ay baka i-bring pa nila yung topic na ayokong pagusapan.
Hades' POV
Uwian na. Pabalik na ako ngayon ng classroom para kunin yung bag ko. Papasok na sana ako sa loob nang may marinig akong naguusap sa classroom. Aalis na sana ako kasi ayoko naman making sa usapan ng iba. Pero napatigil ako nang marinig ko ang pangalan ko.
"Bakit kasi yun ang sinabi mo kay Hades?" Boses palang, ay alam ko nang si Athena ang nagsalita.
"Anong sinabi?" At si Nyx naman ang kausap niya.
"Bakit mo siya pinipilit na umamin kay Lyssa kahit alam naman nating lahat na marerejct siya?" Tanong ni Athena.
"Much better if he gets rejected properly, right?" Sagot ni Nyx. "The more he hides his feelings, the more it will grow."
"Why do you care so much about someone who doesn't even care about you?"
Natamaan naman ako sa sinabi ni Athena about sakin. Hindi naman sa wala akong paki kay Nyx, hindi lang talaga ako nagpapakita ng slightest feeling sa kanya kasi baka umasa siyang magkakagusto ako sa kanya.
"Kasi mahal ko siya." Ang tanging sagot ni Nyx kay Athena.
Alam niyo ba kung papaano umamin si Nyx sa nararamdaman niya sakin.
Third year kami nang maging magkakaibigan kami nila Phanes. Lagi kaming nagsasabay kumain tuwing lunch. At dahil kaibigan ko si Lyssa ay sinabay narin naming siya tsaka si Nyx na noon ay kaibigan niya samin.
Hindi ko nga alam na nagkakagusto na pala si Nyx sakin noon. Nagulat nalang ako na isang araw, sabi niya gusto niya akong makausap.
FLASHBACK
"Hades, may sasabihin ako sayo." Sabi ni Nyx sakin.
Alam ko na. Magko-confess to. Lahat naman nang babae yun yung ginagawa kapag gusto nila akong solohin at kakausapin daw. Sayang, akala ko pa naman iba si Nyx. Kasi kapag magkakasama kami, hindi siya tulad ng ibang babae na kinikilig kapag nakakausap ako. Kaya naman sumagi sa isip ko noon nab aka hinding hindi siya magkakagusto sakin.
"I like you." See? Sabi ko sa inyo magko-confess siya sakin.
"Sorry, Nyx. Alam kong kaibigan kita but I can't reciprocate your feelings." Syempre, dapat mabait parin ako kahit irerejct ko na siya para hindi masira ang image ko sa kanya. "Look, Nyx. You're a great woman but I be in a relationship with you—"
"Wait a minute. Sinabi kong gusto kita pero hindi ko sinabing gusto kong maging girlfriend mo."
Medyo napahiya ako sa sinabi niya. Syempe, todo acting pa ako tapos hindi naman pala niya ako gusto maging boyfriend. Edi nagmukha akong mayabang sa harap niya.
"So why did you confess?" Tanong ko sa kanya habang nakapamewang.
"Wala lang. Para malaman mo and to be rejected properly. Siya sige, bye." Sagot niya at tumakbo na siya paalis.
END OF FLASHBACK
After nun, I never treated Nyx the way I treated my other girls. Because I felt that I can be myself in front of her.
That's why I've decided. I will confess to Lyssa and get rejected properly.
Hinanap ko kaagad si Lyssa. Sigurado akong nandito pa si Lyssa sa school. Kailangan ko nang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Tama si Nyx, hindi ako makaka move on kapag hindi ako tinanggihan ng maayos. I consider Nyx my bestfriend. She understands me kahit lagi niya akong binabatukan.
Napatigil ako nang makita ko si Lyssa na naglalakad na papunta sa gate. Tumakbo agad ako papalapit sa kanya.
"Lyssa! Teka!" Napalingon naman si Lyssa sakin. "May sasabihin ako."
"Sure, ano yun?"
Wala naman nang tao sa paligid so I guess I'll just say it here.
"I like you." Nagulat naman si Lyssa. Syempre, sino ba naman ang hindi magugulat sa isang playboy na nagkakagusto sa isang babae.
"Uhh.. Hades. Alam mo naman na si Eros diba?"
"Yup, gusto ko lang na malaman mo." Sabi ko sabay ngiti. "And also, so that I can let go of it."
"Thank you, though. Really thank you. I'm sure makikita mo rin yung babaeng para sayo. Trust me, Hades. Nandyan lang siya paligid."
"Okay."
Ngumiti kami sa isa't isa. Dahil kailangan nang umalis ni Lyssa ay nagpaalam na siya sakin. Masakit parin pala kahit alam mo na na marereject ka. Ganito rin ba yung naramdaman ni Nyx nung ni-reject ko siya. Hindi niya lang talaga pinahalata na nasasaktan siya.
Ngayon, si Nyx naman ang dapat kong kausapin. Kailangan kong mag-sorry at mag-thank you sa kanya.