Chapter 1

1763 Words
Chapter 1 Kanina pa ako gising pero hindi parin ako bumabangon sa kama ko. Kanina pa nag-aalarm yung cellphone ko pero wala akong paki. Athena, its your first day and you're this lazy. May balak ka pa bang pumasok? "Ma'am Athena. Bumangon na po kayo at mag-ayos para maka-hain na po ako ng almusal niyo." Rinig kong sabi ni manang sa labas ng kwarto ko.  "Sige po, manang." Bumangon na ako at dumeretso sa CR para maligo. After taking a bath, I went to my closet and grabbed my new uniform. Haaaay, why did I have to go back to the Philippines? Okay naman ako sa States. Sabi kasi nila Mom na dito na daw muna ako dahil miss na nila ako bla bla bla. While eating my breakfast, nakita kong nagri-ring yung cellphone ko kaya sinagot ko ito. "Hello? Nyx? Oo. Mauna ka na sa classroom. Oo alam ko na pasikot sikot sa school. Don't worry hindi ako maliligaw. Sige bye! See you!" That was Nyx, my childhood friend. Nabalitaan kasi niya na sa school niya ako papasok kaya naman ayan, sobrang excited. Well, its been years since we last saw each other, malamang sa malamang hindi makapag-hintay yun na makita ako.  Nagpahatid nalang ako sa driver since male-late na ako at hindi na kakayanin ng oras ko ang mag-commute. SCHOOL Is it just me or everytime male-late ang isang tao, nagmamadali silang maglakad, eh late naman na sila so what's the point? Pero dahil normal na tao ako, syempre tumakbo ako papasok ng school. Nasa hallway na ako nang nagpaka-Cinderella ako at naiwan ang isa kong sapatos. Binalikan ko yung shoe ko pero nung kukunin ko na, nasipa naman ng isang guy. At hindi pa talaga siya nag-sorry. Hello? Nasa harap na niya ako di parin ba niya ako nakita? "Hindi ka manlang ba magsosorry?" Sigaw ko sa kanya. Wow, just wow. He didn't even turn around. Grabe, Nyx, ito ba ang eskwelahan na pinupuri mo sakin. Okay, the facilities and the surroundings are impressive pero ang mga estudyante, hindi!  That asshole! If he won't take notice of me, I will make him. Pinulot ko ang sapatos ko at binato sa gilid niya para naman mapansin niya ako.  "Oh my god!" Sigaw ko. OMG, natamaan ko siya sa ulo. I mean, hindi ko naman talaga dapat itatama sa kanya pero siguro na-karma siya at pati yung diyos ng mag sapatos ay galit sa kanya. Ano pa nga ba, syempre I need to say sorry. Lumapit ako sa kanya. "Sorry. hindi ko sinasadya na tamaan ka. I mean sinasadya kong ibato pero hindi para tamaan ka." Mamamatay na ba ako? Kasi he's glaring at me. Death glare to be exact. If looks could kill, nasa kabaong na ako ngayon.  "Sorry talaga--" Nagulat ako kasi pinulot niya yung shoe tapos akmang ibibigay na saken. Nung kukunin ko na, bigla naman niyang binawi tapos naglakad papunta sa tabi ng pintuan ng classroom ko. "GIVE ME MY SHOE!" "Mr. Castillo. First day of school, late ka na agad." The teacher said ng makarating kamin dalawa sa pintuan ng classroom. He looked at me at tinaasan ako ng kilay. "And you are?" "I-I'm Athena Ramos, sir." "And why are you shouting, Miss Ramos?" "Kasi po kinuha niya yung--" Napatigil ako kasi wala yung sapatos ko sa kanya. Saan niya nilagay? He's not holding it anymore. "Yung?" The teacher asked again. "Yung.. ano.." Tumingin ako dun sa guy tapos bumulong, "Saan mo nilagay?" "Miss Ramos! Nagpapatawa ka ba? Ano yung kinuha niya sayo?" Ayan! Pinapagalitan na ako ng teacher. Oh my gosh, saan ba kasi nilagay ng lalaking 'to yung sapatos ko. I'm getting in trouble because of him.  "Miss whatever-your-name-is. If you're looking for your shoe, it's not with me. Naiwan mo ata sa hallway nung nagmamadali kang pumunta sa classroom." Sabi nung guy saken. He's expressionless. There's no anger or sadness or happiness in his eyes. It's BLANK. Tinaasan ko siya ng kilay. "Is that true Miss Ramos?" Tanong ng teacher. Sinilip ko yung hallway and poof! nandun ka yung shoe ko. Binato siguro nitong baliw na lalaki na to. "Sir, pwede na ba akong umupo?" Tanong ni Blank guy. "Yes, Mr. Castillo. You may take your seat." Tapos tingin saken. "As for you Miss Ramos. Get your shoe first and sit down. Pasalamat ka first day ngayon and you're a new student." "Thank you, sir." Lumabas na ako para kunin yung shoe ko. Sinuot ko yun at bumalik sa classroom. I hate that guy. I mean, he's very annoying and he's blank. I can't read what's on his mind or whatever! Ayoko na siyang intindihin. Dumeretso na ako sa seat ko na katabi ni Nyx. "Ano ba yan! Sa lahat naman ng makaka-away mo, yung pinaka-cold pa na lalaki sa school." Bulong niya saken. "Kaasar kaya siya. Anyway, Hi! I missed you!" "I missed you too. Ipapakilala kita sa friends ko dito mamaya! For sure magugustuhan mo sila." After a few hours ay finally break time na. Nyx dragged me to the cafeteria dahil nandun daw ang friends niya. Of course I had no choice but to come with her. Siya lang naman ang kilala ko dito. In fairness naman sa cafeteria nila, may ibubuga sa cafeteria ng old school ko sa States.  We walked towards the table that had a few people on it. Mukhang sila ang tinutukoy ni Nyx na mga kaibigan. "Athena, meet my friends." Sabi ni Nyx. Inobserbahan ko isa-isa ang mga tinutukoy niya na friends. Infairness, magaling pumili si Nyx ng mga kaibigan. Puro gwapo at maganda yung naka-upo sa table na 'to eh. Yung isa, sa sobrang ganda mapagkakamalan mong artista. Yung isa, gwapo pero halata mo agad na babaero. Yung isa naman gwapo din pero halata mo namangmabait. "Guys, meet Athena. Childhood friend ko. Kagagaling niya lang sa States." Pagpapakilala ni Nyx sakin. "Hi, I'm Lyssa. Nice to meet you!" Sabi nung magandang babae sakin. "I'm Hades. Gwapo ako." Sabi nung isang lalaki na gwapo nga naman talaga. Pero masyadong mahangin. "And I'm Eros." Sabi nung isa pang lalaki habang nakangiti. Halata mo sa kanya na mabait siyang tao. "I'm Athena. Nice to meet you all." Pinaupo naman nila ako sa tabi ni Lyssa at tumabi naman si Nyx sakin. Kaharap naming si Eros at Hades. Masaya naman silang kasama. Mabuti nga't hindi ako na-OP sa kanila eh. Nagulat nalang ako nang biglang nagtilian yung mga babae sa cafeteria. "He's here." Sabi ni Hades na namy ngisi sa mukha. Tinignan ko naman kung sino yung tinitignan nila at halos ma-high blood na ako nung malaman ko kung sino iyon. Si Phanes lang naman. Pinanuod ko lang siya habang naglalakad papalapit sa table namin. Don't tell me dito siya uupo? "Phanes, my boy!" Sabi ni Hades at tsaka tumayo siya at inakbayan si Phanes. "'Nga pala, Athena. Si Phanes. Friend din namin." Di ako umimik at tinitigan lang si Phanes na nakatitig din sakin. Siya naman ang unang umiwas ng tingin at umupo na sa pinakagilid. Umupo narin ulit si Hades at sa gitna naman siya ni Eros at Phanes pumwesto. Ako lang ba 'yon o parang may awkwardness between Phanes and Eros? Hindi sila tumitingin sa isa't isa at tsaka parang sila lang yung hindi naguusap dito. Nung may dumaan na magandang babae, parang automatic na napatayo si Hades. Sinundan niya yung babae at mukhang makikipagkilala. Babaero ata 'tong si Hades eh. "Pagpasensyahan mo na si Hades. Playboy eh." Sabi ni Lyssa. Tinawanan ko nalang si Hades. Nang matapos yung lunch break ay bumalik na kami ni Nyx sa classroom namin. Sumabay din samin si Lyssa since magkatabi lang naman daw yung room namin. Di ko na napigilan at tinanong ko na si Nyx about kay Phanes at Eros. "Nyx, magkaaway ba si Eros at Phanes?" Diretsa kong tanong. Nakita ko naman na parang nasamid si Lyssa. Si Nyx naman mukhang hindi alam ang sasabihin niya. Obviously, there really is something going on between the two boys. "A-actually, uhm.." Patingin tingin pa si Nyx kay Lyssa na parang nagtatanong kung pwede ba niyang sabihin. "Sabihin mo na." Sabi ni Lyssa habang nakahawak sa noo niya. "Ganito kasi yun, sabihin nalang natin na gusto ni Phanes si Lyssa pero ang nagustuhan ni Lyssa ay si Eros. At si Eros at nagpapaka-manhid." Sabi ni Nyx. Complicated. Yan lang ang masasabi ko. Ang hirap naman na yung karibal mo lagi mong kasama. Kaya siguro ganun ugali ni Phanes kasi syempre siya yung kawawa sa love triangle nila ni Lyssa at Eros. "Bakit di nalang mag-move on si Phanes?" Tanong ko. Ang dami daming babae diyan paligid—hindi ko sinasabing ako ah. "Mataas pride nun. Gusto niya lahat ng gusto niya nakukuha niya. Anak mayaman kasi." Sagot ni Nyx. "Eh si Eros wala talagang gusto kay Lyssa?" Tanong ko. "Wala daw. Manhid kasi siya." Sagot ni Lyssa sakin. Ang complicated naman ng love life ng mga 'to. Buti ako wala pang love life. At wala akong balak magkaroon ng love life. Pang-g**o lang yan sa mga plano ko sa buhay. Mahirap na, kasi kapag nagkataon, lahat ng pinaghirapan ko mawawala. After dismissal ay deretso uwi ako. Bago nga ako sumakay sa kotse naming ay nakita ko si Phanes na may sariling sasakyan at papalabas ng school. Mayaman nga, ganda ng kotse niya eh. Nang maka-uwi ako ay dumeretso agad ako sa kwarto ko para magbihis. Narinig ko naman na naghahain na ng dinner yung mga katulong. Ibig sabihin nandyan na sila Mama. Pagkababa ko sa first floor ay nakita ko sila Papa, Mama, at Kuya sa dining table. 'Nga pala, parehong nasa business industry parents ko and yung dalawa ko naming kuya parehong med students. Soon, magiging medical student narin ako hindi dahil sinusundan ko ang mga kapatid ko kundi dahil gusto ko talagang maging doctor. "Athena! Tara na dito!" Sigaw ni Papa sakin. "How's school?" Tanong ni Mama habang umuupo ako sa usual kong upuan sa hapag-kainan. "Friendly naman sila. Pinakilala sakin ni Nyx yung mga friends niya." "May crush ka na ba?" Tanong ni Kuya Andy. And pinakamatanda samin. "Wala no. Tsaka wala akong balak." Nakita ko naman na nagtinginan si Papa at Mama. Mukhang iniisip na naman nila yung sinabi ko years ago. Kahit ano pang sabihin nila, hindi na magbabago yung isip ko. "Promise, Athena, magkakagusto ka rin sa isang lalaki and you will change your mind." Sabi naman ni Kuya Ethan. Ang middle child. "I told you, I won't change my mind." Sabi ko. What I told them years ago, I will bear the consequences of it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD