Chapter 2

1198 Words
Chapter 2 Athena's POV Hindi ko alam kung bakit halos lahat ng estudyanteng nadadaan ko ay tumitingin sakin. Yung tingin na may halong pagtatanong. Ano? May dumi ba sa mukha ko? "Swerte naman niya. Friends agad niya yung grupo nila Phanes." Rinig kong sabi ng isang estudyante. Napaka-cliche naman ng scene na 'to. Seriously, bakit ba gustong gusto ng tao yun ganitong set-up? Pero wag na tayong maging hipokrita dahil gusto ko din naman nang ganito. "Oo nga eh. Maganda kasi siguro siya." Sabi ng isa pa. Oh well, sila na nagsabi. Big deal ba ang pagiging magkaibigan naming nila Nyx? Siguro isa sila sa popular students dito sa school. Wow, edi popular narin ako? Feel na feel ko na. Pagkapasok ko ng classroom ay nakita kong magkakasama sila Nyx at yung iba pa. "Athena, nandito ka na pala." Sabi ni Lyssa at lumapit siya sakin tapos sinabayan ako papalapit kila Phanes at yung iba pa. "Goodmorning." Sabi ni Hades sakin. May kasama na naman siyang bagong babae. I didn't bother knowing the girl's name kasi papalitan din naman siya ni Hades. Mukhang wala pa si Eros. "Goodmorning." Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Speaking of the devil. Kadadating lang pala ni Eros. "Goodmorning!" Sabi ni Lyssa at lumapit agad siya kay Eros. Grabe si girl oh, da-moves agad umagang umaga. "About sa project natin. When do you plan on doing it?" "Kailan ka ba free?" "Next Saturday. May work kasi ako ngayong sabado eh." Sagot ni Lyssa. Work? Nagtatrabaho na si Lyssa? Highschool students palang kami, may work na siya. Samantalang ako kain lang ng kain sa bahay. Napatingin naman ako kay Nyx na may pagtatanong. "Oh right, nakalimutan kong sabihin sayo. Model nga pala si Lyssa." Sabi ni Nyx. "Talaga? Wow." Yan nalang ang nasabi ko. Again, samantalang ako kain lang kain. "And Hades here is the son of the owner of the school." Dagdag ni Nyx. "Weh? Di halata ah!" Sabi ko. Look at him, mukha bang anak ng Principal yan. "I know right." Sabi ni Nyx at tinignan niya bigla si Hades. "Tama na ang pakikipaglandian. Malapit na magsimula yung klase!" Bigla naman niyang binatukan si Hades. Mukhang ito ang makikita kong scene araw-araw. Napansin ko kasing lagging binabatukan ni Nyx si Hades. Baka mamaya magulat nalang kayo, sila na pala! Well, we all know that same old story in the book. The more you hate, the more you love. "Oo na, oo na!" Sagot ni Hades at tumingin siya sa babae niya. "See you later, babe." Matapos maglandian ng dalawa ay umalis narin yung babae. "Hades, graduating ka na! Umayos ka na nga!" Pagsasaway ni Nyx kay Hades. "Eh ikaw, graduating ka na wala ka paring boyfriend!" Sabi ni Hades habang tumatawa. Inirepan nalang siya ni Nyx. Napalingon naman ako kay Phanes at nahalata kong nakatingin siya kay Eros at Lyssa na kanina pa naguusap. Merong sadness sa mga mata niya. Kitang-kita ko yung selos at inggit. Kaya ayokong ma-fall in love eh. Mahirap na kapag di ka gusto ng gusto mong tao. Tumayo si Phanes mula sa upuan niya at lumabas ng classroom. Saan naman pupunta yun? Nang pumasok na yung teacher namin ay pumunta na kami sa kanya kanya naming mga upuan. Wala parin si Phanes. Don't tell me nag-cutting siya. Ang emotional naman masyado ni Phanes para mawalan agad ng gana dahil lang nakita niyang magkasama si Lyssa at Eros. Nang mag-recess ay nilapitan agad ako ni Nyx para daw magsabay kami papuntang cafeteria. "Hay, nagselos na naman si Phanes kanina." Sabi ni Nyx habang umiiling iling. "Ganun ba talaga yun?" "Sobra kasi magmahal si Phanes. Kung ako nga si Lyssa ay mas pipiliin ko na si Phanes." Kaso parang sobrang tahimik naman ata ni Phanes. Mas gusto ko si Eros kaysa sa kanya. Bago matapos yung recess ay bumalik  agad kami ni Nyx sa classroom. Pagkadating ko dun ay nandun narin si Phanes. Mukhang naka-get over na siya sa nangyari kanina. Pagka-upo ko sa upuan ko ay napatingin ako kay Phanes na nakatingin pala sakin ngayon. Bigla siyang ngumisi na ikinagulat ko. Tumingin ulit siya sa teacher at nagsimula nang making. Bakit bigla bigla nalang siyang ngumingisi sakin? Again, what's with him? Days passed and lunch time ngayon dito sa school at kumakain kami ngayon nila Nyx sa cafeteria. Iniisip ko parin yung pag ngisi ni Phanes sakin kahapon. Napatingin naman ako kay Phanes at ayun kumakain naman siya like he normally does. Naalala ko na meron palang party mamaya sa bahay.  Aattend ang mga business partners nila Mama. At sabi nila kailangan daw nandun ako. Alam niyo ba kung ano ang nangyayari sa mga ganung klaseng party? Puro pa bonggahan. At dapat lagi kang handa sa mga pasimpleng lalait sayo. Yung iba pupurihin ka, pero deep inside sinaksaksak ka talaga. "Kailangan ko palang umuwi ng maaga kasi may gaganapin naparty mamaya sa bahay." Paalam ko kila Nyx. "Ganun? Sige, ingat!"  Sabi ni Nyx. Nagba-bye naman na ako kila Lyssa, Hades at Eros. Gusto ko narin sana magba-bye kay Phanes pero n-awkwardan ako sa harap niya. Naglakad na ako paalis. Dumaan muna ako ng classroom para kunin yung bag ko. Habang papadaan ng hallway ay na-agaw ng atensyon ko yung bulletin board. Nandito ata yung top students ng school kaya naman nilapitan ko ito upang tignan. "Woah!" Napasigaw nalang ako sa nakita ko. Si Eros ang top student ng school na ito? Wala manlang nagsabi sakin? Di ko in-expect na ganito katalino si Eros. Siya ba naman ang Top 1. Siguro sa sobrang talino niya nakalimutan niyang gamitin heart niya, ayun naging manhid. Nang maka-uwi ako sa bahay ay nagsimula na yung mga make-up artist na ayusan ako. Kailangan daw maganda ako. Parang iba na yung kutob ko sa party na 'to ah. Bakit kailangan sobrang ganda ko? Pagkatapos ko mag-ayos ay pumunta na ako sa hall ng bahay naming kasi dun ginaganap yung party. Malaki naman kahit papano yung bahay naming kaya pwedeng pwede magkaroon ng malaking parties sa loob. Pagkapasok ko sa hall ay pinagtinginan agad ako ng mga tao. Sinasabi ko na nga bang hindi ito basta party lang. Matchmaking party ito. Iniisip ba nila Mama na magkakagusto ako sa mga lalaking iimbitahan nila dito? Kahit anong gawin nila, I will never fall in love. "Nandito ka na pala, Athena." Sabi ni Mama na may hawak na wine glass. Katabi niya si Papa at mukhang kinakausap nila yung isa sa mga business partrners nila na  mukhang mag-asawa. "Mr. and Mrs. Castillo, This is Athena. My daughter." Pagpapakilala ni Papa sakin sa mag-asawa. "Pleasure to meet you." Sabi ko tapos ngumiti ako. "You should meet our son. Nandito siya ngayon sa party. First time nga niyang sumama samin sa isang gathering eh." Sagot ni Mr. Castillo. Matapos ng introduction ay umalis narin ako para batiin yung ibang guest na pumunta. Maya-maya ay biglang tumugtog yung music. Bigla naming nagsidumugan yung mga lalaki papunta sakin para daw isayaw ako. Ang dami namang babae sa gilid diyan bakit ako pa? Hindi naman ako makagalaw masyado. Ano ba naman yan, annoying jerks. Nagulat nalang ako nang may biglang humila sa kamay ko. Halos hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Phanes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD