Chapter 3
Why the hell is he here? And why the hell am I dancing with him?
"Wala ka bang itatanong?" Tanong niya. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti siya sakin.
"Bakit ka nandito?"
"You met my parents earlier, right? Curious ako kaya napagdesisyunan kong pumunta dito." Sagot niya. Parents? Sila ba yung pinakilala nila Mom sakin kanina? Okay, this is bad. May kutob ako na si isa si Phanes sa mga choices nila.
"Curious?" Di makapaniwalang tanong ko.
"Yep. About you." Sagot niya.
"Baka nakakalimutan mo, tinarayan mo ako nung first day ko." Pagpapaalala ko sa kanya. Excuse me, I still can't forget the fact that he ignored, embarrassed, and annoyed me that day.
"Di kita kilala so why should I talk to you?" Dispensa niya.
"Fine. Pero parang may iba sayo ngayon. Madaldal ka ngayon."
Totoo naman eh. Kapag nasa school hindi nagsasalita, pero ngayon ang daldal daldal. Ibang iba nga yung aura niya ngayon eh. Para bang may iba siyang personality bukod sa pinapakita niya sa school.
"The one you're dancing with right now is not the Phanes that you see at school." Sabi niya then he smirked. Para talaga siyang may double personality. Weirdo.
"Its annoying when you smirk." Sabi ko.
"Really?" Tapos nag-smirk ulit siya. "Gwapo ba ako?"
"Kung gwapo ka, bakit hindi ka magustuhan ni Lyssa."
Sa sinabi kong iyon, parang bumalik yung Phanes na mataray at suplado. Biglang dumilim yung mga mata niya. Uh-oh, I think I just landed on a landmine.
"Hindi mo alam kung anong sinasabi mo." Sabi niya at humiwalay siya sakin tsaka naglakad papalayo. Ano yun? Napikon bigla? Di ko namalayan na sinusundan ko na pala siya. Nakarating kaming dalawa sa veranda na wala masyadong tao kundi kaming dalawa lang.
Nakita ko siyang nakasandal sa terrace. Sa itsura niya ngayon, para siyang yung mga nasa movie na broken hearted.
Lumapit ako sa kanya. Hindi ko alam pero parang gusto ko siyang asarin.
"So she likes Eros?" Tanong ko sa kanya. Hindi niya ako pinansin. "Bakit ka nagkakagusto sa isang tao na kahit kalian ay hindi ka magugustuhan?" Pagpapatuloy ko.
"Its none of your business." Sagot niya.
"Try mo kayang maging mabait kagaya ni Eros. Ang taray mo kasi eh. Baka hindi ka type ni Lyssa kaya ganun."
"Shut it."
"Why don't you just move on?"
"I said shut it!" Sigaw niya sakin. Napa-atras naman ako ng isang hakbang dahil sa sigaw niya. Kitang kita ko yung galit sa mukha niya.
"You're pathetic." Sabi ko sa kanya.
"What do you know? Hindi mo alam ang nararamdaman ko. Don't act like you know me and everything about me!" Ganyan ang sagot ng mga taong sobrang close-minded. Yung feeling nila sila lang ang tama at walag nakakaintindi sa kanila.
"Habang pinapanood kita, kitang kita ko kung gaano ka ka-miserable."
"You're making it sound like its easy to move on."
"Acceptance is the first step in moving on. If you can't even accept the fact the she likes somebody else then how can you move on." Sabi ko. This has always been my motto in life. Accept everything that comes your way and you will easily find a way to endure and overcome them. Hindi yung pinipilit mong-deny.
Naglakad na ako papa-alis.
Hindi ko alam kung saan nangagaling yung mga pinagsasabi ko kay Phanes. Para bang napagdaanan ko na yung pinagdaanan niya when in reality hindi pa talaga. Iniwan ko na siya dun hoping that he'll realize my point.
"Athena, Lyssa! Tara, samahan niyo ako bumili ng lunch." Yaya ni Nyx samin kaya naman sinamahan naming siyang bumaba sa cafeteria. Nandun narin siguro sila Phanes sa usual table namin.
"Athena, kamusta yung party?" Tanong ni Nyx.
"Okay lang. As expected, matchmaking yun. Nandun nga si Phanes eh."
"Si Phanes?" Gulat na tanong ni Lyssa.
"Bihira lang umattend sa ganun si Phanes di ba?" Sabi ni Nyx. Tumango-tango naman si Lyssa.
Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay pumunta na kami sa usual table naming. Katulad nga ng sinabi ko, nandun na sila Phanes. Uy parang may nag-iba. Ahh! Walang kasamang ibang babae si Hades ngayon. Nagbabago naba siya dahil ayaw na niyang mabatukan ni Nyx?
"Congrats nga pala, Eros. Ikaw ulit top diba?" Sabi ni Lyssa kay Eros.
"Thank you." Sabi ni Eros. Hmm, grabe amazed pa din ako dahil top 1 siya.
Bigla naman kaming may narinig na ringtone. Nakita kong sinagot ni Hades yung phone niya ibig sabihin sa kanya yung tumatawag.
"Hello? Babe? Yes. Sige. See you later." Ahh, kaya pala wala siyang chicks ngayon kasi mamaya pa sila magkikita.
"Ano ba, Hades? Kumakain tapos pinapakita mo yang kabastusan mo." Sabi ni Nyx kay Hades. Okay, here we go again.
"Selos ka lang eh."
"Bakit naman ako magseselos? Kapal ah."
"If I know nagugustuhan mo na yung kagwapuhan ko."
"Ang hangin naman dito. Puro yabang."
"Di ako mayabang. Honest lang."
Magsasalita pa sana si Nyx pero tumayo na si Phanes at tinignan ng masama yung dalawang nagaaway. Siguro nairita narin dahil sa ingay ng dalawa.
"Tatahimik kayo or palalayasin ko kayo dito?" Tanong ni Phanes na may halong killing intent. Woah, another first for me. I think this is the first time na nakita kong nagalit si Phanes.
"Tatahimik na po." Sabi ni Hades at sinimulan na niyang kumain.
Tumingin pa nga ng masama si Nyx kay Hades eh. Mukhang takot nga silang dalawa kay Phanes. Oh well, kung ako din yung magagalit din ako. Syempre, I'm eating ym precious food tapos may nag-aaway sa tabi ko. I wouldn't want that.
"Ikaw kasi eh." Sabi ni Nyx kay Hades.
"Anong ako?"
"Kasi naman—" Hindi ko na pinatapos si Nyx at nagsalita na ako.
"Tama na, Nyx. Hihirit pa eh." Sabi ko. At ayun, natahimik naman silang dalawa sa wakas.
Pagkatapos naming kumain ay bumalik rin kami agad sa classroom. Science yung subject naming at mukhang meron kaming project na by pair. Nagbunutan kami sa kung sino ang magiging partner naming. At sa lahat naman ng pwedeng mabunot ay si Phanes pa.
"Okay class, you have an hour to do this experiment. Cooperate well with your partners, okay?" Sabi ng teacher.
I don't think I can cooperate well with my partner.
Lumapit na ako sa table namin ni Phanes. Nandun na siya at mukhang inaayos na yung equipments na gagamitin. Inobserbahan ko siya habang seryoso na nagsusulat sa papel. Wow, nagseseryoso din pala siya kahit papano.
"Ano bang gagawin?" Tanong ko.
"We have to make a cart using the—" napatigil siya nang Makita niya kung sino yung kapartner niya which is ako. Hindi siguro niya alam na ako ang magiging partner niya. I guess masyado siyang pre-occupied sa subject na 'to kaya di niya napansin.
"Uhm.." Wala akong masabi kasi nakatitig lang siya sakin. Pero mabilis din naman nawala yung pagkagulat niya.
"As I was saying, kailangan natin gumawa ng cart from this stuff." Sabi niya habang tinuturo yung mga CD, cardboard, at balloon sa table.
"Okay." Sabi ko at nag-start na akong basahin yung instructions na nasa paper.
Napatingin naman ako kay Eros at Lyssa dahil sila ang magka-partner. Ang saya nga nila tignan pareho. Mapagkakamalan mo na sila kung hindi mo alam na walang gusto si Eros kay Lyssa.
"About what you said that night.." Napatingin naman ako kay Phanes na hindi nakatingin sakin, sa project lang siya nakatingin. Pero binalik ko yung tingin ko sa papel.
"What about it?" Tanong ko.
"Napag-isip isip ko na tama ka."
"Really?"
"Pero mahirap parin."
"Trust me, kaya mong mag move on." Sabi ko at tsaka ngumiti sa kanya.
Ngumiti rin siya at tsaka tumango. Pinatuloy na niya yung experiment naming. Nakatitig lang ako sa kanya. Ano to? Bakit parang masaya ako na nakapagdesisyon na si Phanes na mag-move on.
This is bad.
Pagka-uwi ko nang bahay ay naka-abang na si Mama sa harap ng kwarto ko. Ito na naman ba tayo. She'll convince me to change my mind.
"Athena, about your proposal.."
"Ma, sabi ko naman sayo hindi magbabago isip ko di ba?"
"Why are you pushing it?"
"To be worthy." Sagot ko.
"You are worthy. "
"How many times do I have to say it?" Tanong ko. Sabi kong hindi ko napapalitan ang desisyon ko.
"Fine, pero kapag dumating ang panahon na nagkagusto ka na sa isang tao, don't hold back because of us." Sabi ni Mama at umalis na siya.
Sinabi ko nang hinding hindi ako magkakagusto sa isang tao. That's why kailangan kong lumayo kay Phanes. Sisirain niya ang plano ko. Ang plano kong pinaghirapan ko buong buhay ko.