BROKEN HEART KNOWS

2297 Words
Akala ko matino si Sean hindi pala. "Sean? sino yung babae na kasama mo kanina?" "Saan? W-wala yun--- baka si Claire yun, may ginawa lang kami kanina na sa bahay para sa school activity namin." anya habang magkatabi kaming kumakain sa isang restaurant. "Kayong dalawa lang?" "Oo, wag mong sabihin nagseselos ka-- kaibigan ko lang yun." anya hindi makatingin sakin ng diretso. Hindi ko alam bakit naging sapat sakin ang sagot nyang iyun. Nanahimik nalang ako at hindi nalang kumibo dahil ayukong magkagulo kami at masira ang relasyon namin. Wala akong mapagsabihan ng nararamdaman dahil ang iba kong mga kaibigan ay kapwa tinalikuran ako dahil sa relasyon namin ni Sean kaya kinikimkim at sinasarili ang mga mabibigat na problema. May mga kaibigan parin naman ako diko lang maopen sa kanila dahil nawawala sila mood everytime na magkwkwento ako about kat Sean. "Maganda ka naman bess, mayaman at matalino ka bakit ka pa nag sstay kay Sean--- anong nangyayare sayo." paulit ulit na naririnig ko. si Sean kasi yung lalaking hindi mo maintindihan hindi ko mabasa kung anong ugali meron sya ang alam ko lang napamahal ako sa kanya. Isang araw nagbago lahat, tuluyan nang lumabas ang totoong kulay ni Sean, dahil nakakaranas na ako ng p*******t nya ng pisikal naging bayolente na ito at hindi na sya tulad ng dati pero dahil mahal ko sya handa akong magtiis, ayuko kasi malaman nila na na hindi ako okey, gusto ko ipakita sa kanila na masaya ako sa pinasok kong mundo. "Saan galing yang mga sugat mo?" tanong ni Mika ng mapansin nya habang nagbobonding kami with other girls. "Iwk hindi ka ma flawless, nangyare sayo?" puna naman ng isa. "Wag mong sabihin kagagawan yan ni Sean ah-- asan yung lalaking yun!" galit na sabi ni Jiggy friend kong beks din. "Kahit naman sabihin ko yung dahilan ihindi nyo naman ako papakingan diba?"malungkot kong sagot sa kanila. "So, si Sean nga may gawa nyan? Wtf ang sama nya-- kasi ikaw kasi di karin nakikinig samin paano ka namin pakikinggan eh kamingang kaibigan mo balewala sayo." sagot ni Mika. "Summer bii!!-- bakla tayo hindi tayo punching bag, wag mong hayaang saktan ka nya afford mo bumili ng boys at marami diyan." wika ni Jiggy. "Magiging masaya ba ako dun?" Sagot ko sa kanila. "Wala naman masamang magmahal, magtira karin sa sarili mo-- alam mo mas blooming ka pa noon nung magkasama kayo ni Gab." "SUPER!!! iba na yung looks mo friend-- wag mo ibuhos lahat kay Sean, 10% lang sa kanya, 70% sarili mo 20% sa paligid mo, kapal na ng stressed mo sa mukha Grrrr tskk." "Magalit na kayo lahat sakin, wag lang kay Sean, wala naman syang ginagawang masama sa inyo e sakin oo-- pero sa inyo wala." sagot ko. "Wow!!! ikaw ba talaga yan Summer, anong pinakain sayo ni Sean bakit nagkakaganyan ka." "Andito tayo para mag enjoy at magrelax diba hindi yung ikukumpisal nyo ko!" galit kong sagot. "Concerned lang kami sayo kasi hindi ka naman dati ganyan ang hagard mo na Summer, nakakalungkot lang, hindi sumasapat sayo yung mga sinasabi namin sayo at sana marealize mo at marinig mo rin kami balang araw." wika ni Mika na nagpatulo ng luha ko. "Kailangan ko ng umuwi--- salamat sa inyo!!!!" wika ko sabay umalis ako at umuwi, gulong gulo na ako. MIKA'S BIRTHDAY at sa di inaasahan muli kaming nagtagpo ni Gabrille, hindi ko akalain na andun din sya sa birthday ni Mika. Habang abala ang lahat at nagsasaya ako'y magisang nakaupo lang na pinanuod lang sila, nakaka OP kasi lahat silay may mga bitbit na Jowa at tanging ako lang ang wala dahil ayaw sumama ni Sean at baka mapaaway lang daw ito, nang mga oras na yun hindi ko inaasahan ang pagdating ni Gabrielle, hindi manlang nasabi nila na invited din sya ng gabing iyun. Mukhang hindi nya ako napansin sa sulok, ang laki ng ngiti ko noon ng makita ko sya ulit. Akmang tatayo na ako nun ng mapansin kong may hawak syang kamay ng iba na babae na nasalikod nito, kaya bumalik ako sa kinauupuan ko. Hindi ko alam kung anong sakit ang naramdaman ko ng oras na yun ang bigat sa dibdib at lubhang nakakadurog ng puso ng makita kong may kahawakan syang iba. Halos sa stock na halos di makagalaw di ako makaalis sa kinauupuan ko para umiwas at di magpakita sa kanya ng oras na yun. tumigil pa ang mundo ko nang magkatinginan kaming dalawa. "G-gabrielle!" marahan kong banggit sa pangalan nito sabay pumatak ang mga luha ko. Kita ko ang pagngiti rin nito at aakma na sana syang lalapit ngunit napigilan ito ng babae at hinila sya nito papunta kila Mika. Ramdam ko na gusto nyarin akong kamustahin ng mga oras nayun nauudlot lang dahil sa kasama nitong babae na ramdam kong Girlfriend nya ito. Hindi ko alam sa mga oras na yun doon ko naramdaman na mahal ko na si Gabrielle dahil selos na selos ako sa nakikita ko. "Summer!!!--" tawag ni Jiggy sakin sabay hila sakin. "Ikaw bakla ang Kj mo!!! Tara nat kumilos ang daming Boys sa pool," wika pa nito. "Im not okey right now!!!" Sagot ko sabay upo sa bakanteng upuan. "Naku naku-- bakit naman?" "Basta wala ako sa mood," sagot ko. "Ehh kung si Gabrielle humila sayo mula sa kinauupuan mo?" anya. "Wag na wag!!!"sagot ko. "Huli ka!!! Ibig sabihin si Gabrielle ang dahilan kung bakit wala ka sa mood?--- ay Oo may kasama kasi syang jowa, teka asan ba kasi si Sean?" Diko na sya sinagot at tumayo nalang ako at pumasok sa loob ng bahay nila mika, iniisip ko parin si Gab at yung Girl na kasama nya. Nakasalubong ko si Mika at inaya ako lumabas ulit hindi naman ako makataggi at nilakasan ko nalang ang loob ko para maging matatag para di nya mapansin na naapektuhan ako. Nakapabilog na kaming lahat medyo magkatapat kami ni Gab kaya kitang kita ko ang aliwalàs at kagwapuhan nito, may time na nagkakatinginan kami at agad ko rin namang iniiwas, tanging kaming dalawa lang ni Jiggy ang walang jowa ng oras nayun kaya kami nalang ang nagtabi dahil nga ganun ang sitwasyon kami ang naging topic nilang lahat. "Asan mga jowa nyo? Bakit hindi nyo mga kasama?" Sa tanong na iyun muli akong napatingin kay Gabrielle, bigla akong nahiya hindi ko rin alam kung ako iassagot ko, nakakahiya talaga wala man lang akong maipagmalaki sa kanila. "Ayun yung jowa ko sumakabilang puwet nakakaloka grr." sagot ni Jiggy na kinatawa ng lahat. habang ang iba hinihintay ang sagot ko pero nakatingin parin ako kay Gabrielle kumukuha ng lakas para hindi lang mapahiya sa kanila. "Ahhh- s-si sean ba? susunod daw sya e may tinatapos lang sya, alam nyo naman gruadating sya!!! ayun sunogkilay." sagot ko naman na walang katotohanan. "Okey na ba kayo ni Sean?" biglang tanong ni kathleen. Kaya lalo akong nanahimik. "Anong okey ka diyan!" sagot ni Jiggy sabay inangat nya at pinakita sa kanila yung braso ko na may pasa na kinagulat ng lahat at kitang kita ko ang reakyson ni Gabrielle sa ginawa ni Jiggy kaya nabuo ang mga luha ko at kitang kita nila ang pagpatak ng mga ito. Kala ko magiging masaya ako ng gabing yun hindi pala, sana hindi nalang ako pumunta, dahil sobra akong napahiya. Kitang kita ko ang reaksyon ni Gabrielle na halatang dismayado. Kaya nagwalkout ako at umalis diko alam kung anong gagawin ko durog na durog ako. Kaya kinontak ko yung driver namin para sunduin ako gusto ko ng umuwì, gusto kong mapagisa, maya maya may humawak sa braso ko at pamilyar na boses ang tumawag sakin ng atensyon. "Summer!!!" Boses ni Gabrielle, nahihiya pakong iharap ang mukha ko sa hiya sa kanya. "Bakit mo hinahayaang saktan ka nya?" Wika nito, kaya naging emosyonal ako sa tagpong iyun at nilakasan ko na ang loob ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko kaya hindi ako nagpapigil at niyakap ko sya ng sobrang higpit. "Sorry Gab." ang tanging nasabi ko habang umiiyak kayakap sya. Ramdam ko ang pagdampi ng mga kamay nito sa likod hudyat na pagyakap din sakin. "Psshh wag ka mag sorry sakin, wala ka namang kasalanan e--- nalulungkot lang ako para sayo, hinayaan kita kasi akala ko masaya kana, hindi pala." anya. "sabihin ko mang masaya ako, wala din namang naniniwala e---pero masaya ako ngayon, kasi masaya kana tapos nagkausap muli tayo." wika ko. Napaupo kami sa gater ng kalsada at dun kami nagkwentuhan, ang sarap lang sa feeling pero di gaya na ng dati dahil parang may ilangan na. "Girlfriend mo yun?" tanong ko dahil wala ako maisip na topic, pero tumango lang sya. "Ilan buwan na kayo?" tanong ko muli. "Wala pa, weeks palang kami." "Bago lang pala--- ahmm dika paba papasok sa loob? Baka hinahanap kana nila." wika ko. "Hindi-- sasamahan muna kita ngayon kasi alam kong kailangan mo ng karamay." anya. Hanggang sa naging malalim na ang usapan namin at na kwento ko na ang tungkol samin ni Sean. "Hiwalayan mo na yung Sean na yun a, hindi na ako papayag na saktan ka nya muli-- mula ngayon makakasama muna ako ulit hindi na kita pababayaan." pag-aalala nito sakin. "Ang dami kong ginive up for him, ang dami ding nawala nung maging kami pati ikaw nawala-- dami kong narealized-- kaya this time makikinig nako sa inyo, sayo lalo Gab." Hanggang marinig kong tinatawag na sya mula sa loob pero bingi bingihan lang sya dahil gusto nya daw masulit ang gabing iyun na kasama ako. Lumapit at nasa harapan namamin yung girlfriend nya. "What happened?" Tanong nito na nagtataka. Bibitaw sana ako sa paghahawakan ng kamay namin pero hinigpìtan nya ang kapit para di ako makabitaw. "Beatrice, susunod ako sa loob!" wika ni Gabrielle. "sige na Gab. parating narin naman yung sundo ko e." sagot ko. "By the way, beatrice si Summer bestfriend ko, summer si beatrice girlfriend ko--- sya yung nakwekwento ko sayo lagi." wika ni Gabrielle nang ipakilala kami sa isat isa. "Nice to meet you, beatrice" wika ko. Hindi ko alam pero parang may iba kay Beatrice ni ngiti hindi nya nagawa ng ipakilala ako ni gab sa kanya. Bumalik nalang ito sa loob at hinayaan nalang kaming dalawa ni Gabrielle. Hinayaan ko nalang din ito sa inasal nito. "Mahal mo ba talaga si Beatrice?" biglang tanong ko sa kanya na kinagulat nya. "Bakit mo naman natanong yan?" anyang nagtataka. "Syempre mas inuna mo ako kaysa sa kanya." sagot ko. "syempre mas importante ka dun, kahit naman noong hindi pa kami importante kana sakin e," anya. "Ganun pala ako ka importante sayo, ang tanga ko lang na hindi ko pinahalagahan yun." "ikaw ba? Mahal mo parin ba si Sean after kanyang saktan?" anya. "Hindi na!" sagot ko. "Bakit?" Tanong pa nito. "Kasi alam kong may iba papalang taong pinahahalagahan ako at kaya akong pahalagahan." sagot ko. "Sino yung taong yun?" Anya. "Yung katabi ko ngayon--- ikaw!" sagot ko sabay kaming nagkatinginan at tila nanahimik ang paligid para sa aming dalawa may anong spark ang bumalot sa aming dalawa. "At ang tanga ko kasi mas pinili kong hindi mahulog sayo at iniral ko din yung takot kasi ayun yung tama para sa ating dalawa." dagdag ko pa. Pero ngumiti lang sya at muli nya akong niyakap ng mahigpit. "Ang hina mo talaga Summer!" bulong nito. "Sorry dun!!!" Sagot ko. "Ibig sabihin, gusto mo din ako?" Anya. Nakakapagtaka lang sa salitang "Mo din." anong ibig sabihin nun? Naging gusto nyarin ako. "Mo din? bakit?" "Wala--- i mean, crush mo din pala ako gaya ng iba." anya. "Hindi no--- ay ayan napala yung sundo ko, salamat sa time! tatawag nalang ako pag nakauwi na ako." wika ko nang dumating na yung sundo ko, hindi manlang naging sulit yung gabing yun para saming dalawa edi sana mas lumalim yung usapan namin. Ayuko pading umamin lalo nat taken na sya, parang wala na akong tiyansa at baka masayang lang yung feelings ko.... Nakauwi na ako ng bahay pero di ko agad sya tinawagan sa sobrang kakaisip sa kanya baka nga di ako makatulog sa kakaisip. Hanggang nakataggap ako ng message sa kanya. "Nakauwi kana? tatawag sana ako kaso katabi ko si Beatrice kaya sinemplehan ko lang para imessage ka." anya sa text. Diko muna sya nireplyan dahil biglang tanong sa isip ko na, bakit ba kasi dumating yung araw na to? Bakit ba nangyari tong sitwasyon nato? Hindi sana ako o sya nahihirapan ngayon, naging limitado na ang lahat. Kaya diko nalang sya nireplyan dahil ayukong maging abala sya sakin habang kasama nya yung Gf nya, dahil masakit iyun sa parte ni Beatricè, may mga araw pa naman na pwede kaming magusap maaring tawag o personal. I know my limit din naman maaring ipaglaban ko yung pagkakaibigan namin pero hindi ang pagmamahal. GABRIELLE POVS Sobra akong nalulungkot para sa kanya hinayaan ko sya para sa ikasasaya nya pero mali ako napabayaan ko sya at hinayaang saktan ni Sean wala akong nagawa, kita ko sa mga mata nya yung bigat ng nararamdaman nya. Nahihiya ako pero nilakasan ko loob ko para muli syang harapin sinundan ko sya para i comfort kasi alam kong ako yung kailangan nya. Gusto ko ring umiyak ng magkatapat kami pero pinigilan ko dahil alam ko yung weaknesses nya, kaya kahit na bigat bigat narin ako pinakita ko sa kanya na matatag ako para magbigay positive vibes sa kanya, kasi kung pareho kaming magiging emosyanal walang mangyayari. Hindi ko na inalam ang buong kwento naging sapat na sakin yung mga pasang nakita ko na hindi maayos ang samahan nila ni sean pero diko na binuklat yun dahil iiyak lang sya ng iiyak kaya nasabi ko nalang sa kanya na iwan mo na sya at andito na ko muli, masaya ako sa tagpung iyun at kahit papano nakikinig sya sakin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD