bc

JUST MISSING YOU

book_age16+
9
FOLLOW
1K
READ
tragedy
bxb
heavy
like
intro-logo
Blurb

Mula highschool hanggang sa magtapos si Summer at Gabrielle ng kolehiyo ay matalik na itong mag kaibigan.

Hanggang sa ang kanilang pagkakaibigan ay umabot na sa pagmamahalan na kaya nilang ipaglaban kahit may mga hadlang sa kanilang relasyon.

Nagkaroon ng 6 months rules ang mommy ni Summer kay Gabrielle upang subukin ang katatagan nito at pagmamahal sa anak na si Summer.

Nang malapit ng mapagtagumpayan ni Gabrielle ang rules na yun saka naman nagkaroon ng trahedya na akala nilay ikinasawi ni Summer.

Ano nga bang nangyari kay Summer? asan nga ba sya?

chap-preview
Free preview
JUST MISSING YOU
CHAPTER I BLURB- -PROLOGUE- "Summer!" banggit ko habang nakatitig sa kanyang mukha. "Bakit Gabrielle?" Sagot nito sabay winasiwas ang kamay nito sa mukha ko dahil di ako makagalaw sa kinakaupuan ko. Napailing nalang ako sabay ngiti--- ang cute talaga nya... "W-w-wala." mautal utal kong palusot. "We--baka may dumi ako sa mukha a" wika nito sabay kuha ng maliit na salamin. "Wala, may sasabihin sana ako kaso-- kaso nakalimutan ko." wika ko sabay kamot sa ulo. Kaya napahinto sya sa pananalamin. "Ganun ba, kung di naman importante kahit wag mo na alalahanin." sagot nito sabay tawa ng mahinhin. GABRIELLE POVS Masasabi kong tuluyan na nga akong nahulog sa bestfŕiend ko, sa limang taon ba naman namingg pagkakaibigan pati asin kaya nang laggamin sa pagiging close namin sa isat isa. Pinangako ko noon na hinding hindi ako maiinlove sa gaya nya. Pero nakain ko ata ang nasabi ko dahil nahulog na ako sa kaibigan ko. Sya si Summer, si Summer ay isa sa mga kapatid nating at miyembro ng isang makulay na samahan ang LGTBQ at isa syang Gay. Honestly mukha syang lesbian sa awra at pormahan nya, Gay sya pero hindi sya Girly kung pumorma,okey na sa kanya yung mga oversized shirt at minsan pa nga yung mga damit ko sinusuot nya, pero maarte pagdating sa mga skincare, laking babad kasi sa aircon at di hamak na mas marangyang buhay kaysa amin. Naging magkaibigan kami dahil mula ng highschool hanggang mag college magkasama na kami. Same vibes at diko alam kung sa feelings ay magkapareho kami. Ako si Gabrielle, hindi sa pagmamalaki, mataas narin ang tingin sa sarili ako dahil matangkad ako (6"5)at higit sa lahat gwapo, nasa akin na lahat. kung may wala man sakin ayun yung lovelife. Sa edad kong ito ang dami ko ng nagawa. Ang magmahal nalang muli ang hindi pa, dahil noong nagkakilala kami ni summer ay naging kontento na ako sa kanya dahil alam kong sya na yung THE ONE para sa akin. Huling relasyon ko pa ay noon hindi ko pa sya nakikilala at wala rin akong nabalitaan sa kanya na nagkaroon sya ng karelasyon noon hanggang sa nagkakasama kami. Nalaman ko din ang pagiģing concervative ng pamilya nito pagdating sa kanya. Sa sobra nilang karangyaan miski mga kaibigan nya hindi makapasok sa bahay nila sa sobrang higpit, miski ako na kaibigan nya dahil baka mapagkamalan ako nitong boyfriend, kaya tumatakas nalang sya minsan kasama naming mga iba naming kaibigan at minsan naman asa bahay sya. Nasa europe both parents ko at lima kaming magkakapatid, ang dalawa kong nakakatandang kapatid aý pamilyado na at ang dalawa kong nakababata ay kasama ko sa bahay na kapwa nasa sekundarya sa isang pribadong paaralan kung saan kami noon nagaral ni Summer. "Bakit hindi nalang kasi maging kayo?" nagulat kaming dalawa ni Summer nang sabihin iyun ni Caleb. (kapatid ko) Kaya nagkatinginan kaming dalawa ni Summer di kalaunan nagkahiyaan at ilangan din kami ng tingin. "Oo nga kuya-- single ka naman, single din si Summer---" sabat naman ng isa kong kapatid na si Ely. Kaya agad kong hinila papasok ng kwarto si summer at baka may masabi pa ang mga ito tungkol sä nararamdaman ko sa kanya dahil sa kanila lang ako nakakapagsabi ng feelings ko sa kanya. "Wag mo silang intindihin--- mga lokoloko mga yun e." wika ko. ngiti lang ang sinagot sakin ni summer. Lalabas na sana ako para kutoskutosan silang dalawa pero biglang nagsalita si Summer. "Oo nga, bakit di ka pa mag Girlfriend? Mukhang suportado naman sila sayo and I will support you din." wika nito. "Sayo? Hahaha- No!!!!" kunyari ko pang sagot deepinside nahihiya pa ako sabihin sa kanya ang totoo. "Sira (sabay batok sakin) kung ako lang din--- hindi na uyy!!" sagot nitong galit na galit. "Kala mo napaka gwapo----tsk." dagdag pa nito. Napapakamot ulo nalang ako tuwing nagrarant sya at naaasar ang cute nya magalit Hihi. Hindi nya ako pinapansin, sya nalang nagdedesisyon sa bahay at hinahayaan ko nalang sya kaysa magalit sya sakin ng tuluyan. "Uyyy - Summer, bakit ba kasi?" Tanong ko na matawa tawa dahil sa inaasal nyang pagmamaldita sakin, tinataasan nya lang ako ng kilay habang nakatutok sa pinapanuod nitong series sa netflix. Kaya nilambing lambing ko sya. "Bakit ganyan itsura mo--- AHAAH,"wika ko sabay ayos sa kilay nyang magkasalubong. "Don't touch me!!!!" anyang iritable. Agad akong dumistansya dahil galit na talaga ang tono ng pananalita nya kaya nanahimik nalang ako kaysa mangulit pa sa kanya. Imbes na magalala ako, natatawa pa ako sa kanya, may ugali kasi talaga syang ganyan, napaka moody at bugnutin kaya tinatawanan ko nalang ng patago dahil ayaw nyang nakikita akong Tumatawa pag ganun ang sitwasyon nya dahil mas lalo syang maasar sa akin. muli kaming nagkatinginan kaya tumigil muna ako sa pagtawa ng patago. "Nakakasad yung series na to----grabe ang bibigat ng mga linyahan nila." anya ng pansinin nya ako at ishare yung nararamdaman nya sa series. "Ay--- Oo nakakalungkot talaga yan." nauutal kong sagot at baka maalala nyang nagtatampo sya sakin. "Bakit ang layo mo sakin--- I need hug sa series na yan." anya na kinabigla ko. Ang daling mawala yung sapi sa kanya. Kaya unti unti akong lumapit sa kanya na parang natural lang. sabay yumakap sya sa mga braso ko at pinatong ang mga paa nito sa hita ko dahil doon sya nagiging komportable, kaya hinayaan ko nalang sya dahil ayun naman ang laging nyang ginagawa tuwing magkatabi kaming dalawa. Hindi rin kasi kami nagpapantay pagmagkatabi kami dahil nga sa taas ko at liit nya na 5"4, kaya mas komportable pag sya ang nakayakap. Nabigla nalang ako ng bigla nya akong sampalin. "Akala mo siguro okey na ko sayo no---- tskkk." anya habang nakayakap parin sa akin. Kaya hinawakan ko ang mga braso nyang nakayakap sakin at diniin pa lalo sakin para di na sya magtampo. "Yakap ka lang wag kana magtampo." wika ko. "Gab---- ahahahha." anya. "Bakit? Hindi kana ba galit?" sagot ko. "Buti naman at bumango kana." sagot nito. "Kapal nito-- kailan bako bumaho?" "Jk lang ahmm--- pero sana kahit magkaroon ka na ng Gf at ako Bf ganto parin tayo no." anya na biglang naging seryosohan ang usapan namin. "Bakit--- mag boboyfriend kanaba?" Seryoso kong tanong sa kanya. "Hindi pa naman, pero naghahanda na ako kung ano magiging adjustment---syempre kailangan nanating dumistansya para sa isat isa, syempre din hindi na tayo laging magsasama kaya sana at hinihiling ko, ganto parin tayo sa susunod na mga araw." malungkot na pahayag nito. Niyakap ko sya ng sobrang higpit dahil naramdaman ko yung pain sa bawat salita nya na baka nga totoo lahat na baka pag may kanya kanya na kaming karelasyon ay hindi na kami magkaibigan. "Malabo-- kasi kapag dumating yung araw na iyun gusto ko kasama parin kita." wika ko. Sabay titig sya sakin at pansin ko yung mga patak ng luha nya. "Ang gwapo mo kasi Gab-- hindi malabong magkaroon ka ng Gf at syempre, hahanap hanapin mo ring magkaroon ng pamilya---- ehh ako? Hanggang dito lang, kaya mas naniniwala ako na kaya ko magtiis magisa." anya. "Wag kana umiyak, hindi ko kayang nakikita kang ganyan---iba talaga epekto ng mga series sayo summer.." biro ko habang pinapunasan ang mga luha nya. "Seryoso ako Gab-- kaya ngayon palang sinasabi ko sa sarili ko na ang saya ko dahil meron akong ikaw, may taong handang makinig sa kwento ko at may taong naniniwala sakin, salamat Gab!" Yakap yakap parin sya habang nakikinig sa mga sinasabi nya na kahit ganun at hindi ko alam kung bakit natotorpe parin ako at diko mabigkas na mahal ko sya na memental block ako--- siguro nga hindi pa ako handa. Hanggang sa nagpaalam na sya sakin dahil maggagabi na. SUMMER POV'S yung tipong kahit magkaibigan lang kami pero ayuko sya mawala sa buhay ko. Mahirap kasi pag nasanay ka sa isang tao lalo nat pinapahalagahan ka nito. Kaya ang swerte ko kay Gabrielle kasi lagi syang nasa tabi ko. Pero dumating yung time na kinakatakot ko na mainlove ako hindi sa kaibigan ko kundi sa ibang tao, hanggang makilala ko si Sean. Sya din yung taong naniniwala sakin at dikalaunan umamin ng nararamdaman sakin na agad din naman akong nahulog sa sobrang sabik sa buhay pagibig, mas matanda ako di hamak sa kanya ng dalawang taon at estudyante palang sya sa isang kilalang Unibersidad. Hanggang sa nalaman ni Gabrielle ang istado ko kaya agad nya akong kinompronta ng masinsinan. "Bakit hindi mo agad sinasabi sa akin? Bakit nalaman ko pa sa iba?" Wika nito. "Papakilala ko naman sya sayo, buisy lang sya lagi, hayaan mo pag may time!" sagot ko. "Summer Kaibigan mo ko-- paano kita maproprotektahan nyan kung maglilihim ka sakin." anya. "Wala ka naman dapat ipagalala sakin Gabrielle, mabuti syang tao at mahal ko sya." sagot ko. "Talaga--- mahal karin ba nya?" Anya na nasa malayo ang tingin at kapwa kami nanahimik sa tagpong iyun. "Oo naman--- alam mo ba, dami naming promises sa isat isa--- hindi kanaman ata nakikinig sakin e." wika ko nang mapansin kong nakatingin parin sya sa malayo at iba ang iniisip. "Nakikinig ako-- kahit hindi ko pa sya nakikita wala agad akong tiwala sa lalaking yun at sana nga lahat ng pinaparating mo sakin ay totoo, kasi halata namang hindi ka masaya ngayon." anya. "Paano mo nasabi?" Tanong ko. "Kung nakikita mo lang yung sarili mo ngayon, ibang iba sa noon. Asan ba sya ngayon? Di ba dapat kayo ang magkasama hindi ako!" anya. "Bakit mo sinasabi sakin yan? -- ayaw mo ba akong maging masaya?" wika ko sabay sa pagpatak ng mga luha ko. Pero iniwan nya ako sa tagpong iyun, wala akong nagawa kundi hayaan sya at nagiiyak nalang ako sa tagpong iyun. Deepinside tama yung hinala nya, hindi ko din alam kung totoong mahal ako ni Sean, dahil ako nalang lagi ang unang nag aapproach sa kanya kung hindi pa ako tatawag hindi kami magkakausap, bihira din kaming magkita dahil ang laging rason nito ay abala lagi sa pagaaral. Hindi ko alam kung asan si Gabrielle kaya naisip ko nalang na pumunta sa iba kong mga kaibigan. GABRIELLE POVS Labis akong nalungkot ng malaman kong may boyfriend nasya. ang masakit pa dun, ako yung kaibigan nya pero sa iba ko pa nalaman. Halo halong emosyon ang bumalot sakin ng oras na yun ewan ko ba bakit nagagalit ako sa sarili ko ang tanga at ang bagal ko ang hina ko baka nga siguro hanggan dun lang kami sa pagiging magkaibigan. Ayukong ipakita sa kanya na umiiyak ako kaya mas pinili kong lumayo kaysa makita nyang nasasaktan ako sa bawat kwento nya. Ang hirap pala kapag ang pinaka mamahal mo sumasaya sa iba. Kaya naisip ko nalamang ay dumistansya para sa ikaluluwag ng paghinga ko. Ilang araw ko ding tiniis yung hirap na wala sya sa tabi ko para sa ikasisiya ng mahal ko. Naglaho na yung pangako namin sa isat isa na kung magkakaroon kami ng kanya kanyang karelasyon ay magsasama parin kami lahat iyun nawala, akala ko din kasi makakaya ko hindi pala. Gaya ko! Wala rin syang paramdam sakin tuluyan na nga nyang hinayaan ang napagkasunduan naming pangako, kapwa kaming nagpataasan ng pride para sa ikasisiya ng bawat isa. pero ang totoo, gustong gusto na syang kamustahin ng puso ko, kung okey ba sya, kumain naba sya. Tutulo nalang talaga ang mga luha mo tuwing maaalala mo lahat ng masasayang araw ninyo. SUMMER POVS Alam kong wala akong kasalanan, nagmahal lang ako, hinayaan ko nalang muna si Gab. wala rin naman akong mukhang ihaharap sa kanya e, hiyang hiya ako. Ganun pala ka importante yung pagkakaibigan namin na di ko napahalagahan, nilihim ko at sa iba pa nito nalaman ang relasyon namin ni Sean na dapat sa kanya ko unang sasabihin dahil nga bestfriend kami. Totoo nyan ang tanga ko sa part na nagmahal ako ng taong hindi ako pinapahalagahan. Sa sobrang pagiging ignorante ko sa love, kahit harap harapan na akong niloloko, nagagawa ko paring pumikit at balewalain lahat. Dahil natatakot ako na iwan kaya nagbubulagbulagan ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.7K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

NINONG III

read
416.5K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

BAYAW

read
81.9K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook