Hindi ko na rin mabilang Kung ilang beses ko na siyang nasaktan mapa physical man or emotional. Of course, masakit para sa kanya lahat yon pero anong magagawa ko mabilis uminit ang ulo ko kapag walang pera, at gutom. Tapos sasabayan ka pa ng bungangera mong asawa.
Minsan kasi ay nakikita ko sa kanya ang ex girlfriend ko kaya hindi ko maalis sa isipan ko ang masaktan ko siya.
Naaalala ko pa nga nuon na nagtatrabaho pa ang aking asawa at ako ay estudyante may mga araw na pumapasok siyang madalas ay walang laman ang tyan, gutom o walang baon. Minsan naman ay may bukol sa ulo ito o di kaya ay may pasa sa katawan dahil sa pananakit ko. At kung minsan din ay nahuli niya akong may ibang ka chat na babae sa messenger ngunit wala siyang reaksyon dito, tahimik lamang siya na huhulihin ako at ayun dun na magsisimula ang awayan namin na nauuwi sa bugbugan.
Minsan pa nga ay lumayas na din ito at umuwi sa isang kaibigan, siguro ay para makatakas na rin sa akin ngunit makulit ako at nahahanap ko pa rin naman siya. Kaya ang ending umuuwi pa rin Siya sa akin.
Nakakapagsisi nga minsan pero ganyan talaga eh, minsan na rin naman niya akong nagawaan ng kasalanan na labag sa pagsasama namin pero alam ko na mas malaki naman ang pagkukulang ko sa kanya kaya Niya nagawa ang bagay na iyon.
Pinilit kong tawagan ang numero ng aking asawa ngunit, "the number you have dialed is either unattended or out of coverage area please try your call later." Sabi ng operator sa kabilang linya.
"Nasaan ka na ba Eunice?" sabi ko sa aking sarili.
Lumipas ang maghapon at walang anino ng Eunice ang aking nakita sa pintuan ng bahay namin, hanggang sa gumabi na ay wala pa rin ang aking asawa. Iniwanan ko pa naman sandali ang aming anak sa aking magulang para sana makausap ko ang aking asawa ngunit tuluyan na ata akong iniwan ng aking asawa.
"Sana ay di pa huli ang Lahat sa atin Mahal kong asawa", turan ko sa sarili hanggang sa ako ay makatulog na.
KABANATA 4
Lumipas pa ang mga araw at hindi pa din umuuwi ang aking asawa, maging ang magulang ko ay nag-aalala na rin sa kanya. Ilang mga kaibigan niya na rin ang aking napagtanungan ngunit hindi raw nila alam kung nasaan ang asawa ko.
Hindi ito ang plano ko sa dalawang linggo na bakasyon ko, ang plano ko sana ay umuwi muna kami ng aking anak sa aking magulang at nang makapagpahinga naman ang aking
asawa dahil alam kong pagod na pagod din siya sa pag-aalaga sa aming anak at nawalan na rin siya ng oras para sa sarili.
Hindi ko na napigilan ang sarili na tawagan ang kanyang magulang isang umaga..
"Hello, ma kumusta po kayo? Itanong ko lang ho sana kung nakauwi ho ba si Eunice dyan? Mahinahong tanong ko sa Mama ni Eunice sa telepono.
"Maayos naman kami. Raymond ano ba ang problema niyong mag-asawa at humantong kayo sa paglayas ni Eunice!!" Galit na sagot ng mama niya sa akin.
"Osige. Yaan mo pag nadaan ang anak ko rito ay pauuwiin ko kaagad diyan." Sabi pa ng mama nito sabay baba sa telepono.
Isang linggo Mula ng umalis si Eunice wala akong ibang ginugol na oras kundi sa anak namin, kay Luna. Tatlong taon na rin ito at medyo makulit na, may pagkamadaldal talaga ang batang ito.
"Daddy, where is mommy? I miss mommy" isang gabi na tanong ni Luna sa akin habang nakahiga na kami at matutulog na.
"Mommy will get back home soon baby! Don't worry. She misses you too darling."
sagot ko naman dito.
At nagpatuloy na sa pagtulog ang bata. Naiisip ko na siguro tiniis na talaga kami ni Eunice dahil sa walang sawa kong pananakit sa kanya at pang-aabuso.
Hindi pa rin ako dalawin ng antok kaya naisipan kong buksan ang f*******: account ko pati messenger baka sakali nag message si Eunice sa akin ngunit bigo ako. Naisipan kong pagmasdan ang mga larawan ng aking asawa, at di ko mapigilang di maluha.
Malaki na talaga ang pinagbago ng itsura ng aking asawa, aaminin ko na nalosyang na rin siya sa kakaintindi sa amin ng anak namin. Dati payat at makinis ngayon ay mataba at puno ng stretch marks. Dati na mahabang buhok at straight ngayon ay dry na buhok ang makikita mo rito. Dati ay fresh na mukha ang sasalubong sayo ngayon ay stress na mukha at puno ng pasa na braso.
Lahat yon ay dahil sa akin kaya't Lahat ng yon ay pinagsisihan ko ngayon. Hindi sana aalis ang aking asawa kung trinato ko siya ng maayos.
Nandito pa sana siya Kung inalagaan ko siya ng tama at nirespeto ang pagkatao Niya. Sising sisi ako sobra! Hindi ko na nga namalayan na naluluha na pala ako habang yakap yakap ang anak Namin, hanggang sa ako ay makatulog na rin.
Bukas ay panibagong araw, bagong umaga na haharapin. Umaasa ako na sana ay umuwi na ang aking Mahal na asawa. Ang babaeng minahal ko sampung taon ang nakalipas.
"Panginoon, sana ay ligtas ho ang aking asawa kung nasaan man siya ngayon."
KABANATA 5
EUNICE' POV
Isang linggo mahigit na ang nakalipas mula nang umalis ako sa amin, at takasan ang pagmamalupit ni Raymond sa akin ngunit masakit pa rin sa akin ang mga nangyari. Hindi ko lubos maisip na sasapitin ko ang Lahat ng yon sa piling niya, unti-unti na rin naghihilom ang mga pasa sa aking katawan.
Ang sugat at pasa sa katawan ko ay mabilis maghilom kesa sa sugat sa puso ko. Sana lang ay maayos ang kalagayan ng aking anak sa kanya.
Hindi ko na rin nagawang kontakin ang mga magulang ko o Isa sa mga kaibigan o kapatid ko ayaw ko na malaman Nila ang pagmamalupit ni Raymond sa akin, at ang dahilan ng aking pag-alis.
"Mare, kelan mo ba balak bumalik sa asawa mong walangya?Anong plano mo pala?" tanong ni Rakie sa akin, si Rakie na nagtatrabaho bilang Online Virtual Assistant sa isang kumpanya dito sa Pilipinas at isa sa mga kaibigan ko.
"Hindi ko pa alam sa ngayon mare, gusto ko Sana mag-apply ng trabaho pero inaalala ko si Luna kawawa naman ang inaanak mo". Sagot ko naman dito.
"Kasi bakit di mo nalang isinama si Luna at kunan nalang natin ng yaya dito para di ka na sana nag-iisip sa bata, at para mai- apply kita ng trabaho dito sa trabaho ko." Sagot pa nito sakin ulit.
Marami rami pa rin ang napagkwentuhan namin ni Rakie bago ito umalis upang mag mall kasama ang boyfriend nitong si Luigi Monterio, isa sa pinakamayamang Bachelor at nagmamay-ari ng sikat na restaurant dito sa Manila. Gwapo rin ito at may matipunong katawan kaya naman patay na patay din si Rakie sa boyfriend nito.
Nang makaalis na ang dalawa ay nagpasya akong matulog sandali, nagising na lamang ako ng marinig ang sunod sunod na katok sa pintuan ng condo ni Rakie.
"Rakie, Rakie! Tok,tok, tok. Are you there raks?" boses ng isang lalaki sa kabilang pintuan.
Nagmamadali akong nagtungo sa pintuan at binuksan ito, pagbukas ko naman sa pinto ay iniluwa nito ang isang di kilalang lalaki. Brown eyes, black yung color ng hair niya matangos ang ilong at medyo maputi ito, nakasuot siya ng formal attire halatang mayaman ang lalaki at edukado.
"A-ahm Rakie is not here sir", nahihiya kong tugon sa kanya.
"Oh sorry, by the way I'm Mr. Diego Delavin, Rakie's friend.. please tell her that I just drop by to see her sana and to give this pasalubong to her, pero wala pala Siya so I gotta go. Thanks", turan naman ng lalaki sa akin at saka nagmamadali na umalis.
Ni hindi ko na rin nagawa pa na magpakilala dahil nagmamadali nga ito ay isa pa nga ay nahihiya ako dahil sa itsura ko.
"Sino ba ang makikipagkamay sa katulad kong losyang na pangit pa? Negra, maitim, mataba at may mga di gaano karami na pasa sa katawan."
Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng ganoong klase ng lalaki, napaka gwapo at walang sinabi ang mga artista sa TV. Parang may lahi kasi ang lalaking iyon.
Sana lang isang araw ay bumalik muli ang lalaking iyon, gustong gusto ko kasi siyang makita. Ang mga mukha niya ay nakakapagpapawi ng mga lungkot at isipin ko sa buhay.