bc

IN BETWEEN LOVE AND DANGER by AIMKEII

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
revenge
sex
badboy
drama
tragedy
heavy
serious
soldier
city
small town
like
intro-logo
Blurb

Napili ko ang title na ito kasi para sa akin mas madaling mauunawaan ng mga magbabasa ang totoong laman ng kwento na aking isinulat, kung saan dito ay makikita nila kung paano ba ipaglaban ng bida sa kwento na ito ang kanyang buhay at pati na rin ang kanyang mga anak. Hindi man ako perpektong manunulat ngunit umaasa ako na marami ang makakabasa ng aking kwento na ginawa.

chap-preview
Free preview
In Between Love and Danger by Aimkeii
KABANATA 1 EUNICE POV Gumising ako bilang isang typical na asawa, o partner o live in partner. Hindi ko alam ang tawag duon sa dalawang taong nagsasama ngunit hindi kasal pero may anak at nagmamahalan. "Nagmamahalan?" wait! Tama ba yung narinig ko. Kasi sa pagkakaalam ko ay hindi nagmamahalan, hindi na. Marahil ay nagsawa na nga ako sa ugali ng taong nakilala at minahal ko sampung taon na ang nakakalipas, marahil ay ganoon rin siya sa akin. Whatever it is ay hindi ko na alam ang tawag sa amin. Sapagkat kung ako ang tatanungin minsan ay ok naman kami, minsan at maraming beses ang hindi. Sa totoo lamang ay hindi ko na alam kung ano ang talagang nararamdaman ko para sa kanya. Ni hindi ko na nga siya matanong kung masaya pa ba siya sa akin dahil sa tuwing nagagalit siya ay duon niya sinasabi lahat lahat ng nararamdaman niya. Ni hindi ko na rin masagot yung salitang 'i love you' pag sinasabi niya ito sa akin. Hindi ko alam, Ewan ko ba kung bakit ganoon na ako sa kanya, ang totoo kasi dyan ay hindi ko na alam kung tunay pa ba yon o napipilitan na lamang siya. Sapagkat minsan na rin niya sinabi na nakikisama na lamang siya sa akin dahil sa mga anak namin. At mabuti na rin daw an hindi pa kami nakapagpakasal. Yun na nga bago pa lamang kami nuon at siya ay nag-aaral pa lamang ng kolehiyo nang magplano kaming magpakasal, humanap ng bahay na matitirahan, etc. Sino ba namang babae ang hindi Ma-e- excite sa mga ganyan pero hanggang excitement lang pala dahil lahat yon ay nawala. Nawala na parang bula. Matapos niyang mag kolehiyo ay nakapag trabaho naman siya sa kung saan Saang kumpanya, habang ako ay sa bahay na lang nuon dahil buntis na rin ako sa pangalawa namin. At matapos ang ilan pang mga taon ay naging sundalo na rin siya, hindi madali at lalong mahirap pala talaga ang makisama sa biyenan pero lahat yon ay tiniis ko para lamang sa kanila ng anak namin. Mahal ko eh lahat titiisin ko kahit na mahirap. Pero lahat pala ay may hangganan, dumating kami sa punto na nagdesisyon na bumukod habang lumalaki ang anak namin. Sa una ay masaya, masaya at masasabi ko naman na isa siyang good provider para sa amin. Mga bagong damit, mamahaling accessories, masasarap na pagkain at kung Saan Saan kami namamasyal tuwing wala siyang pasok. Napakasaya ko nuon na mga panahong yon. Dumating ulit sa point na nagplano siya ulit na magpakasal kami, may mga nakausap na siyang photographer para sa prenup shoot, venue ng prenup, venue ng kasal at iba pa. Maging ang mga isusuot namin ay pinagplanuhan niya. Ngunit para sa akin ay ayaw ko nang umasa pa, hindi ko alam pero nasaktan talaga ako nung ginawa niya nang una. Tulad nang nangyari ay wala na naman natuloy na kasal at lahat ng plano ay nabaliwala lamang. Ang masakit lang nuon ay umasa din ako pero iba pala kapag umasa ka ng sobra. Napakasakit pala talaga. Lumipas pa ang ilang taon ay heto, heto na nga ako isang plain housewife. Magluluto at maghahanda ng pagkain niya at ng anak namin, pag dumating siya ay kailangan na may pagkain pagkat kung wala ay puro mura ang aabutin ko. Sa gabi naman syempre pagsisilbihan ko pa rin siya, may mga araw nga na pagod na pagod ako sa pag-aalaga ng anak namin at makakatulugan ko na siya. At kung magpilit siya at di mapagbigyan ay nananakit pa ito at kung ano anong masasakit an salita ang sinasabi. Gaya ng "pokpok, puta, malandi, pag sa iba gusto, pag sa akin ayaw. Siguro ay may ibang kumakan*** sayo". Wala pa rin ako magawa kundi humikbi na lamang hanggang makatulugan ko na ang pag-iyak. KABANATA 2 Ako nga pala si, si Eunice isang mabuting partner. Partner na lamang siguro ang itatawag ko sa aking sarili kesa naman sa babaeng di kasal o babaeng ayaw pakasalan. Gaya nga ng sinabi ko kanina ay gumising ako na tulad ng isang typical na maybahay na walang ginawa kundi pagsilbihan ang mapang abusong partner niya. Yes, masasabi kong mapang - abuso dahil sa mga pinagdaanan at pinagdadaanan ko pang sakit sa kanya. "I am mentally and physically abused." Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kakayanin. Minsan ay nagdarasal na lamang ako na sana isang araw ay gumising na lamang akong hindi ko na siya kilala, at hindi ko na rin siya mahal. Balik tayo, kapag isa kang maybahay ay asahan mo ng lahat nang gawain ay gagawin at gagawin mo talaga. Linis ng bahay, laba, luto ng pagkain, alaga ng bata kaya heto ako madalas pagod minsan pa nga ay nakakalimutan ko ng magsuklay man lamang ng buhok o di kaya ay ang mag shower dahil na rin sa pagod. Ang tanging pahinga ko lamang ay kapag natutulog ang aming anak, o di kaya ay kapag umaalis ang mag - ama ko at umuuwi ito sa kanyang mga magulang. Maging ang mga kaibigan ko ay nakalimutan ko na rin, ni hindi ko na rin sila nakakasama o nakakausap manlang. At minsan nga ang isang kaibigan ko ay bigla akong kinumusta, "Hi beh kumusta ka na", sabi ng dati kong katrabaho na si Grace kasalukuyan ito ay nasa Hong Kong at pinili na lang mag-alaga ng ibang bata dahil mas malaki ang kita duon. "Wala naman nagbago sa akin ate ganito pa rin ako" sagot ko naman sa message niya. Marami pa kaming napag-usapan at tuluyan na itong nagpaalam. Sa totoo lamang ay iniisip ko na nitong mga nakaraang araw na tumatanda na nga ako, sa July ay 29 anyos na ako ngunit wala pa rin akong nararating sa buhay. "Paano na kaya ako, hindi ko alam sa totoo lang ay hindi ko na talaga alam kung paano ba ang buhay ko." Isa sa kinatatakutan ko ay baka bigla na lamang akong iwanan ng lalaking ito at wala naman akong trabaho, paano na ang mga anak ko. Paano na kami. Ilan beses ko na rin kasi pinilit ang aking partner na ako ay magtrabaho ngunit ang tanging sagot lamang niya ay "paano na ang anak Namin, mahirap ipagkatiwala sa ibang tao." Mayroon daw naman homebasedjobs na pwede ako mag apply ngunit para sa akin ay baka hindi pasok ang skills ko duon. Kaya lagi ko na lamang siyang kinukulit na bigyan na lamang niya ako ng pamuhunan sa negosyo nang sa gayon ay makapagsimula ako. Sabi ko minsan sa kanya nang minsan magtanong siya ay gusto ko sana ng karinderya dahil nga mahilig din naman akong magluto ng iba't -ibang putahe at mga pagkain. Um-oo naman siya rito. Ngunit sadyang kay pait dahil Ewan ko ba tuwing nagkakapera siya ay nauuna ang yabang at nakakalimutan niya na ako. "Hayy sana isang araw may magbigay sa akin ng pamuhunan", turan ko sa aking sarili. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay madalas na sigawan at murahan ang maririnig mo sa aming maliit na inuupahan. Sobrang nahihiya na nga ako sa mga kapitbahay namin dahil alam kong madalas sa madalas ay naririnig nila ang mga pagtatalo namin dalawa. Kung minsan ay makikita na lamang ng aking mga kapitbahay na umiiyak ako sa labas ng bahay namin. Wala naman akong mapagsabihan takot ako sa aking partner na baka kapag nagkwento ako at malaman ay bugbugin din ako. Ayaw ko rin na madamay pa ang mga anak namin masyado nang mahirap para sa mga anak ko ang sitwasyon namin mag-iina. At baka ma tortured na rin sila sa mga nakikita at naririnig nila sa amin ng tatay nila. Isang umaga na hinandaan ko ng agahan ang aking mag-aama, pritong itlog at sinangag ang inihanda kong ulam. May gatas at kape rin akong tinimpla. Himala ata at umuwing sweet at malambing ang partner ko, kaya nga ako nagluto ng agahan kahit na antok na antok pa ako. Masaya pa nga ang mag-ama ko na kumain ng sabay-sabay, nang sa di sinasadya ay uminit na naman ang ulo nito sa akin. "May sakit ka may sakit ka siguro at ayaw mo pang uminom ng gamot. Nakakadiri ka" Mga salitang binitawan niya sa akin, "sa isip ko lang ay ano ba ang nagawa ko at bakit ganito siya ng kay aga aga sa akin". Kaya nagsimula na naman akong mag hysterical galit na galit na rin ako sa kanya bumalik ang mga alaalang masasakit na sinapit ko nuon sa kanya. Kaya't lumabas ako para magpahangin hindi ko kinaya ang mga murahan at pang-aapak niya sa aking pagkatao, "ganun na ba ako kababa para murahin niya at ganituhin niya. Dapat ay lumaban ako para sa aking sarili."bulong ko sa aking sarili. Matapos kumain ay naghanda sila ng aming anak upang umalis, di ko alam na susunduin sila ng aking mga biyenan. Nang makaalis na sila ay lutang ang isip ko na humiga sa kama at iniiyak na lang ang bawat masasakit na salitang sinapit ko sa kanya. Hindi ko lubos maisip na ang taong minahal ko ang siya pang mag-aapak sa aking pagkatao, sabay nito ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata. KABANATA 3 RAYMOND'S POV "Eunice, eunice andyan ka ba?", sigaw ko sa aking Mahal na asawa. Ngunit walang sumasagot kaya nagmadali akong pumasok sa loob ng bahay Namin, ang akala ko ay maaabutan ko pa ang aking asawa ngunit dumating akong wala siya sa bahay namin. "Saan na kaya napunta ang aking asawa, gusto ko kasi mag sorry sa kanya sa aking nagawa kaninang umaga lamang", bulong ko sa sarili. Hindi ko alam na magagawa pala ng aking asawa na umalis matapos ko siyang awayin, dati naman kasi ay hindi siya ganoon kapag nag -aaway kami at nagkakasakitan. Ngunit ngayon ay tila ba nagbago na ang aking asawa, madalas ay tulala na rin ang aking asawa lalo na pag nakita niyang paparating na ako. Malamang ay takot. Sa totoo lamang ay nawala na ang ganda ng aking asawa, kung dati ay payat ito at walang mga stretch marks ngayon ay meron na at marami pa. Kung dati ay tahimik ito ngayon ay naging bungangera na. Pero alam ko naman sa aking sarili na ako talaga ang may kasalanan ng lahat lahat, ako ang dahilan nang pagbabago ng kanyang ugali marahil ay nagsawa na rin ito sa aking mga masasakit na salita na binibitawan tuwing nag-aaway kami at napagbubuhatan ko rin siya ng kamay. Pero kahit ganoon ay Mahal na Mahal ko ang asawa ko, kahit na hindi pa naman talaga kami matatawag na mag-asawa dahil nga ilang beses ko na siyang pinangakuan ng kasal na hindi naman natutuloy. Ewan ko ba pero para sa akin ay bakit pa kailangan ng kasal kung yung iba nga dyan ay matapos ikasal ay naghihiwalay din naman. Pero alam ko naman na nasaktan ko rin ng tuluyan ang aking asawa ng dahil sa mga pangakong kasal ko na napako lamang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
53.8K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
57.2K
bc

The Ex-wife

read
232.2K
bc

The Ruthless Billionaire. Hanz Andrew Dux

read
78.0K
bc

Hate You But I love You

read
63.1K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook