NASA pasilyo na siya nang masalubong niya si Teddy. Kapwa pa sila nagulat. “Missy, kadarating mo lang ba? Nauna na akong umuwi kanina.” “K-kanina pa. Gising pa kayo?” “May binabasa ako sa library kanina. Doon na pala ako naidlip.” Pinagmasdan siya nito. “May problema ka?” “W-wala.” “Saan ka pupunta ng ganitong oras?” seryosong tanong nito. Napalunok siya. Alam niyang hindi siya makakapagsinungaling dito. “Kay Aling Bining. May itatanong sana ako.” “Sa ganitong dis-oras ng gabi? Hindi ba iyan makapapaghintay ng bukas?” Nahihiya siyang umiwas ng tingin. “Dinala daw sa ospital ang nanay ko. S-susubukan ko sanang manghiram.” “Si Aling Bining ang naisip mong lapitan sa halip na ako?” Napayuko siya. “Nahihiya akong bumale sa inyo.” Pumalatak ito. “Missy, alam mong hindi ka magdadalawa

