Part 28

980 Words

PARANG itinulos sa kinatatayuan si Ico. Mula anit pababa hanggang talampakan niya ay hindi niya maipaliwanag ang pamamanhid na naramdaman niya. Ilang sandali na parang lumutang lang siya sa ere. Tila hinihipan ang ulo niya at kung sumabog man iyon sa sumunod na sandali ay hindi siya magtataka. Pero ramdam na ramdam din niya ang puso niya na parang pinipiga nang ubod-higpit. Sa kabila nang tila pamamanhid ng buo niyang katawan, di yata at nakuha pang makadama ng sakit ang puso niya. Hinding-hindi niya makakalimutan ang itsura ni Missy nang makita itong lumalabas ng silid ni Uncle Teddy. Tila nagmamadali ito na may ipinamulsa at hindi na rin napuna na nakalilis ang palda nito sa likuran.   Ilang sandali bago niya nagawang kumilos. Hindi siya tanga para hindi maintindihan ang nangyari. Pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD