Part 34

1240 Words

Awtomatiko ang naging paghinto ng mga hakbang niya. “Missy!” ulit na tawag sa kanya ni Ico habang sa sulok ng mata niya ay nakita niyang halos patakbo din ang paglapit nito. Nagtagpo ang mga mata nila ni Ico. Kagaya kanina ay walang emosyon ang mukhang ibinigay niya dito. Taliwas iyon sa anyo nito na tila halos magmakaawa na bigyan niya ng atensyon. “Please, Missy. We have to talk. Marami tayong mga bagay na dapat pag-usapan.” Nakikiusap ang tinig nito. “May mangyayari pa ba kung sakali, Ico? Hindi ba’t hinusgahan mo na ako?” Mababa subalit may panunumbat sa tono niya. “Please come with me. Hindi tamang dito tayo mag-usap.” Tinangka nitong hawakan siya subalit mabilis siyang pumiksi. “Kung ganon ay saan ba dapat?” “Magtiwala ka lang.” “Iyan ang nawala na, Ico,” parunggit niya. “Ibi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD