“HAPPY Valentine’s, honey,” sabi ni Ico kay Missy matapos niyang sairin ang laman ng sariling baso. He needed to calm his nerves too. Dahil ang totoo, ramdam na ramdan niya ang pader sa pagitan nilang dalawa. At malaki ang pag-aalala niyang hindi niya basta-basta matitibag ang pader na iyon. “Malalim na ang gabi. Matatapos na ang OA na araw na ito. Gusto ko na nga rin sanang umuwi,” matabang na sagot nito. “Please, Missy. Hindi pa tayo nakakapag-usap nang maayos.” “Ano pa ba iyong pag-uusapan natin? Hindi ba galit na galit ka sa akin noon? Akala mo ba madaling lulunin ang mga paratang mo sa akin?” May bahagyang pag-alsa ang tinig nito. Hindi na niya ikinagulat ang itinugon nito. “Alam kong malaki ang pagkakamali ko. Nandito ako ngayon para ihingi ng tawad sa iyo ang lahat. I’m really s

