“Malapit na kita talagang masampal, Ico.” “Halos atakehin si Uncle Teddy sa galit nang malaman niya ang pagdududa ko sa iyo. It was just me. Ako iyong hindi marunong magtiwala sa tao. Ako iyong palaging nagdududa sa dahilan ng pagiging malapit ng iba kay Uncle. But uncle opened my eyes. He was always there to help anyone. Hindi ko nakita iyon. Ang alam ko lang mapagsamantala ang mga tao. Isang babae ang totoong nagsamantala sa daddy ko na naging dahilan ng depression niya at ikinamatay din bandang huli. With you, I was blinded by jealousy, I guess. Alam mo bang minsan ay sinabi sa akin ni Uncle Teddy na hindi rin naman masamang ligawan ka niya dahil binata naman siya?” “Hindi ko naisip na panliligaw ang ginagawa niya sa akin. Napakabait niyang amo. Iyon ang masasabi ko.” “Alam ko na nga

