Part 37

1617 Words

“UMAAKYAT ka ng ligaw? At dito pa sa pamamahay ko? Nakakalalaki ka naman masyado, Ico.” Napabalikwas ng bangon si Missy dahil sa mataas na tinig na iyon ni Flint. Madalian niyang hinagod ang buhok at basta na lang iyon ipinusod. Mabuti na lang at papunta sa banyo ay di siya matatanaw ng nasa sala. Sa loob ng limang minuto ay nakatapos siya ng morning ritual. Sa loob din ng limang minuto na iyon ay parang binabayo ang dibdib niya sa nerbyos. Pero hindi ubrang hindi siya lalabas. Nagpupunas pa siya ng bagong hilamos na mukha niya at papunta na rin siya sa sala. “Ang aga-aga naman niyan,” kaswal na sabi niya sa dalawang lalaki. “Itong ex mo ang sisihin mo.” Bumaling sa kanya si Flint at kinindatan siya. “Wala ba itong isip? Aakyat siya ng ligaw dito samantalang obvious naman na tayo na?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD