Part 38

2169 Words

HALOS HINDI bitawan ni Ico ang kamay niya kahit na nagmamaneho ito. Bibitaw lang ito sandali kapag kailangan pero pagkatapos ay huhulihin din ang kamay niya at maya’t maya na dinadala sa mga labi nito. Natutuwa naman siya na parang maiiyak. Hindi niya akalain na magiging ganoon kasarap ang pakiramdam na muling makasama ito. Anumang tampo o galit niya ay nilipad na sa kung saan. Mas panatag na rin ang loob niya. “Magpapakasal tayo,” deklara nito. “Soon.” “Ang bilis naman.” “Iyan talaga ang gusto ko. Iyong mabilis. Then we’ll plan a bigger wedding, maybe a beautiful island wedding, at kahit two years ang preparasyon, hindi ako magrereklamo. Ang mahalaga kasal na tayo. Magkasama na tayo sa araw at gabi. Hindi na tayo maghihiwalay.” Buong pagmamahal na sumulyap ito sa kanya. Matamis ang n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD