“ANONG nararamdaman mo?” concern na tanong sa kanya ni Flint. “Makirot. Lumipas na ang anesthesia kaya nararamdaman ko na iyong kirot.” “Iyong puso ko, hindi mo ba kukumustahin? Makirot din.” “Flint, ayan ka na naman, ha. Nagkaganito na nga ako, nakukuha mo pang magbiro.” Inirapan niya ito. “Hindi ako natutuwa na nangyari iyan sa iyo. Sa inyo. Sobra-sobra nga din ang pag-aalala ko. Pero salamat, ako pala ang person to contact na nilagay mo in case of emergency. Kundi pa sa ganoon, wala akong mababalitaan.” “Sa tagal nating magkasama, naisip kong ikaw ang ilagay. Ayoko naman si Inay komo malayo siya.” “Kauuwi ko lang sa bahay nang makatanggap ako ng tawag. Hindi ko na nga makuhang mag-senti nung makita kong wala na ang mga gamit mot at iniwan mo na ang susi ng bahay. Ang nasa isip ko
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


