“FLOWERS para sa iyo, Missy.” Pumasok sa back stage ang isang waiter. Sumikdo ang dibdib niya at excited iyong tinanggap. Three-long stemmed roses. Inilapit niya iyon sa ilong at saka sinamyo. She was deeply-touched parang gusto niyang maiyak. “Hindi ka man lang nagpasalamat doon sa tao,” pabirong wika ni Flint. “At huwag mo nang habulin. Makikita ka ni Mr. H, sige ka.” Inirapan na lang niya ito at muling inamoy ang mga rosas. Noon niya napansin ang maliit na card sa may tangkay niyon. Sabik niyang binasa ang nakasulat. Cheer up, Missy. Happy Valentine! -Flint Nanlaki ang mga mata niya. Hindi na nag-iisip na inihampas niya sa balikat nito ang mga rosas. “Nakakainis ka!” mangiyak-ngiyak na sabi niya. Pinukol siya nito ng tingin at hinaplos ang sariling balikat. “Careful, Missy.

