“NATANGGAP mo ba ang mga bulaklak?” tanong ni Ico sa baritono nitong tinig. “Oo. Maraming salamat. Nagulat nga ako, eh. Bakit pinadalhan mo pa ako ng bulaklak?” Tumawa ito nang mahina. “Itinatanong pa ba iyon? I told you sa card, I’m missing you.” Hindi siya agad nakapagsalita. Bakit ba napakalambing ng tinig ni Ico? Inaakit ba siya nito o likas lang nito iyon? “I wish to go back soon, Missy. Gusto na kitang makita uli.” “Oo nga. Masaya nga pag nandito ka, eh,” sabi naman niya. “Do you miss me, Missy?” Hindi siya agad nakasagot. “O-oo naman.” “If you really do, bakit naman napakadalang mong mag-online. Ang dami kong PM na hindi mo sinasagot. At ni hindi mo yata ino-on ang cell phone mo. Lagi akong t

