LUCIFER “Kayong dalawa gusto kayong panoorin ni boss na sumayaw,” sabi ng tauhan ng boss namin nang puntahan kami sa silid namin. Nagkatinginan kami ni Hubert. Kinabahan ako. Hindi ko pa alam sumayaw sa pole. Baka magkamali ako at hindi magustuhan ni boss ang performance ko. Pumasok kami sa silid. Nakaupo ang boss namin at seryoso ang mukha. Napansin ko ang isang babae na katabi ng boss ko. Nakasuot siya ng shade at blonde ang kulay ng buhok. Nangunot ang noo ko dahil parang may kamukha siya. Bakit ba parang lahat na lang dito ay may nakikita akong tao na pamilyar sa akin. May tatlong matanda ang nandoon na nakaupo sa kabilang side habang may hawak silang mga baso. Pumailanglang ang musika at biglang nag-iba ang kulay ng ilaw, naging pula. Nakita ko ang pagsenyas ng boss namin na mags

