LUCIFER “Ano’ng ibig mong sabihin?” Kuryusidad na tanong ko. Mas lalo akong kinabahan. “Hindi mo dapat kinakausap si Jade at mas lalong hindi ka dapat lumalapit sa kanya dahil hawak siya ng boss natin. Isa siya sa mga babae ni boss Victor. Kapag nalaman niyang magkakilala kayo siguradong may mangyayaring masama sa iyo. Ayon sa nakausap ko ay may pinatay na si boss na nagkagusto sa isa sa mga babae niya. Pagdating sa pagmamay-ari niya ay hindi siya nagbibigay. Makasarili siya.” “Paano kung nagkukunwari lang siya? Bakit hindi niya akong kayang tingnan sa mata? Nakita mo naman kung paano niya ako iwasan. Kung hindi niya tayo kilala hindi siya tatanggi. Doon palang malalaman mong may tinatago siya,” sabi ko. “Sabihin na nating wala naman siyang amnesia. Baka gusto niya lang protektahan k

