LUCIFER Magmula nang pagsabihan ako ng boss namin ay hindi ko na tinangkang lapitan si Jade. Siya na mismo ang umiiwas sa akin kaya igagalang ko iyon. Napatingin ako kay Jade. Kausap niya ng tauhan ni boss. Mukhang seryoso ang usapan nila. Siniko ako ni Hubert sa tagiliran ko. “Kanina ka pa nakatingin kay Amber, a?” sabi niya na may halong biro. Napalingon ako sa kanya at agad rin ibinalik ang tingin kay Jade. “Hindi siya si Amber, alam mo iyan. Siya si Jade.” Matigas na sabi ko. Natawa si Hubert nang mahina at saka naupo sa sahig na semento. Nandito kami sa harapan ng tinutuluyan naming quarter para sa mga tauhan. Sa kabilang gusali naman ay ang mga babae. Ayon sa kanila ay karamihan doon ay babae ng boss namin. “Bakit hindi mo na lang tanggaping siya na si Amber at hindi na si

