LUCIFER Unang araw ko bilang bodyguard ni Jade. May pupuntahan kaming event kung saan imbitado ang boss namin at kasama si Jade. “Naks! Ang ganda ng pormahan natin, a? Nagmukha kang tao,” birong sabi ni Hubert nang pumasok sa silid namin. Nakabihis na ako. Nagsuot ako ng polong puti at pinatungan ng itim na suit ayon sa nagbigay ng isusuot ko. Humarap ako sa malaking salamin na nakakabit sa pinto ng cabinet. Hindi ko maiwasang humanga sa sarili ko dahil mukhang tama si Hubert, mukha na akong tao ngayon. Binigyan din nila ako ng gel para sa buhok ko at shade sa mata. “Para kang member ng men in black,” sabi nito at saka tumawa. “Parang ganoon na nga.” Sinakyan ko ang biro at saka natawa rin ako. Tinawag na ako ng tauhan ng boss namin. Inayos ko muna ang suot ko at tumingin muna s

