EPISODE 7

1279 Words
LUCIFER Isang linggo ang lumipas ay wala pa rin ang amo namin. Hindi namin alam kung pinatay na siya o ikinulong ng mga lalaking kumuha rito. “Ayusin mo na ang gamit mo Luci. Aalis na tayong lahat dito. Walang mangyayari sa atin kung mananatili tayo rito na walang pinagkakakitaan.” Utos sa akin ni ate Eli. “Isang bag lang po ang dala ko dahil kaunti lang po ang damit ko.” Nakangiting sabi ko. Sinukbit ko ang bag ko at saka kami sabay lumabas sa maliit na silid. “Doon muna tayo tutuloy sa kaibigan ko. Pansamantala lang muna habang naghahanap ako ng trabaho,” sabi ni ate Eli. “Huwag po kayong mag-alala maghahanap din po ako ng trabaho. Madami naman po akong alam na trabaho,” sabi ko habang may ngiti sa labi. Nagpapasalamat ako dahil mabuti sila sa akin sa kabila na hindi ko naman sila kadugo. “Ayos lang naman kung ako na muna. Hindi naman kita pini-pressure na maghanap.” Anito na ikinangiti ko. “Salamat ate Eli. Pero hindi po ako tutunganga na lang at kayo ay nagtatrabaho. Hindi ko po maaatim na gawin iyon. Ako po ang lalaki at dapat ako ang magtrabaho sa atin. Malaki rin po ang utang na loob ko po sa inyo. Kung hindi po sa inyo ay hindi po ako magiging masaya dahil nagkaroon ako ng pamilya.” Inakbayan ako ni ate Eli. “Para ka na naming nakababatang kapatid. Napakabata mo pa para magtrabaho nang mabigat. Ilang taon ka na nga ba?” Mahinang natawa ako. “Desi-sais po,” sagot ko. “Alam mo ba naalala ko sa iyo ang kapatid kong namatay. Siguro kasing edad mo na siya kung nabubuhay lang siya. Sayang lang at nawala siya sa napakabatang edad. Ganoon nga talaga siguro ang buhay, may nauuna at may nahuhuli.” Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. “Hayaan mo ate Eli, magmula ngayon kapatid na ang turing ko sa iyo at ituring mo na rin akong parang kapatid mo.” Malawak na napangiti si ate Eli at saka niyakap ako. “Tama na ang dramahan. Aalis na tayo at baka abutan pa tayo ng mga lalaki rito at tayo pa ang pagbalingan ng galit nila,” sabi ni ate Melanie ang isa sa kasama ni ate Eli sa club. Nang makalabas kami ay hindi namin inaasahan ang bisitang dumating. Ang mga kalalakihang nagpunta noong nakaraang linggo. May hawak silang baril at tila susugod sa giyerahan. Natakot kami nila ate Eli nang sumulyap sa amin. “Sumama kayo sa amin!” sabi ng isang lalaki at tinuto ang dalang baril sa amin. Napakapit sa braso ko si ate Eli. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya at ang ibang kasama namin ay nagpunta sa likuran ko. Hindi ko maiwasang matakot dahil may dalang baril ang lalaki. Ano lang ba kami kumpara sa mga lalaki? “B-Bakit kami sa sasama sa inyo?” Lakas loob na tanong ni ate Eli sa lalaking may hawak na baril. Napangisi ang lalaki. “Ang lakas ng loob mong magtanong sa akin. Akala mo naman malinis ka. Isa ka lang p****k at bayarang babae rito sa bar na ito.” Pang-iinsulto ng lalaki kay ate Eli. Napakuyom ako ng kamao dahil sa pang-iinsulto ng lalaki kay ate Eli. “Mawalang galang na po. Wala po kayong karapatang insultuhin si ate Eli. Nagtatrabaho po siya ng marangal at hindi nang-aangrabyado ng ibang tao.” Matapang na sabi ko sa lalaki. Kahit takot ay nilakasan ko ang loob kong ipagtanggol si ate Eli sa pang-iinsulto ng lalaki. Naningkit ang mga mata ng lalaki dahil sa sinabi ko. Napaatras ako nang sa akin niya itutok ang baril. Sa mismong sintindo ko. “Ang tapang mong bata ka! Isang bala ka lang at sabog ang bungo mo!” Inis na sabi sa akin. “Tama na iyan!” Napatingin kami sa taong nagsalita. Nandito ang lalaking kalbo at may malaking tiyan. Inalis niya ang sigarilyong nakapasak sa bibig at nagbuga ng usok. Sumenyas ang kalbo sa lalaki na ibaba ang baril na hawak. Nakahinga ako nang maluwag ng ibaba ng lalaki ang baril. “Dalhin ninyo ang mga babae sa sasakyan!” Utos sa mga tauhan. “Bitiwan mo ako!” sabi ni ate Eli nang hawakan siya ng lalaki. Walang nagawa ang pagtanggi nila nang tutukan sila ng baril. Susunod sana ako nang pigilan ako ng lalaking kalbo. “Maiwan ka bata!” Napahinto ako sa paglalakad. Nakaramdam ako ng takot. “Mamili ka bata. Maiiwan ka rito at masusunog kasama ng casa na ito o sasama sa akin at magtatrabaho bilang tauhan ko.” Natigilan ako sa sinabi ng lalaking kalbo. Anong ibig niyang sabihin? “B-Bakit niyo po susunugin ang casa at anong gagawin niyo sa kasama ko?” Kahit takot ay nagawa kong magtanong. Humalakhak ang lalaking kalbo. “Matapang na bata ka kung magtanong. Sasagutin ko ang tanong mo. Wala ng silbi itong casa dahil wala na ang amo mo. Magtatrabaho ang mga kasama mo sa akin. Ano kuntento ka ba sa sagot ko? Pasalamat ka’t binigyan pa kita ng pagkakataong magtanong at sinagot pa kita. Hindi ko gawaing sagutin ang tanong mga taong hindi ko kilala. Pasalamat ka dahil kailangan ko ang serbisyo mo bata.” Napakuyom ako ng kamao. Ibig ba niyang sabihing utang na loob ko pa iyon? “Huwag kang mag-alala malaki ang kikitain mo sa ibibigay kong trabaho sa iyo. Magiging star ka sa aking poder. At hindi ka magugutom dahil lahat ng pagkain ay makakain mo, hindi kagaya rito na hindi pinapakain ng amo mong mataba.” Isinubo ang sigarilyong hawak at saka nagbuga ng usok. Naubo ako nang maamoy ko ang usok. Maganda ang alok niya, ngunit kailangan kong makasigurong nasa mabuting kalagayan sina ate Eli at iba pang kasama namin. “Pumapayag po ako sa alok ninyo, ngunit may kondisyon po ako,” matapang na sabi ko. Nangunot ang noo ng lalaking kalbo. Bagaman may takot ako at hindi ako sigurado kung papayag siya ay nilakasan ko ang loob ko. Naningkit ang mata niyang nakatitig sa akin. “Ano’ng kondisyon mo bata?” Aniya. Kinakabahan man ngunit sinikap kong tatagan ang loob ko. Hindi dapat takot ang umiral sa akin kung hindi tapang. Walang mangyayari sa akin kung ang paiiralin ko ay puro takot. Kailangan kong lumaban sa ganitong klase ng buhay at matutong makipaglaro sa kapalarang nakasadlakan ko. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. “Ipangako niyo po na walang masamang mangyayari sa mga kasama ko. Gagawin ko po ang lahat ng trabahong ibibigay niyo po sa akin.” Buong tapang kong sabi sa lalaki. Napalunok ako nang lumapit ang lalaki sa akin at akbayan ako. Malakas niyang tinapik ang balikat ko. “Good! Aasahan mong may isang salita ako. Walang masamang mangyayari sa mga kasama mo. Tandaan mo lang na ayoko ng traydor at walang isang salita. Nangako kang lahat ng gusto ko ay gagawin mo. Ayoko sa lahat ay makakarinig ako ng reklamo. Masama akong magalit bata, kaya huwag mong susubukan.” Aniya at saka ngumisi. Takot man ay tumango ako nang buong tapang. Sumunod ako sa kanila nang maglakad ang lalaki. Kasama ko siyang sumakay sa magara niyang sasakyan. Sina ate Eli at iba ko pang kasama ay sa isang sasakyan kasama ang ibang tauhan. Nandito na ako sa ganitong uri ng buhay kaya yayakapin ko na lang kahit ayaw ko. Pasasaan din na masasanay ako sa ganitong klase ng buhay, kaysa may masamang mangyari sa amin. Walang mapupuntahan ang buhay ko kung hindi ako sasabay sa agos. Baka nga ito ang kapalaran ko na dapat kong tanggapin at yakapin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD