LUCIFER Nagpapasalamat ako dahil isang linggo ang lumipas ay wala namang ginawang masama sa akin ang amo ko. Naging busy sa kung ano ang amo ko dahil palagi siyang lumalabas. Kung ano pa man iyon ay isang magandang senyales na magiging ayos ako. Habang naglalampaso ng sahig ay napansin ko ang mga lalaking pumasok sa club. May matabang lalaki ang nangunguna sa pagpasok sa loob at kasunod naman ang apat na kalalakihang nakasuot ng itim na damit. May subong sigarilyo ang lalaking mataba na sa tingin ko ay boss ng mga lalaki. Nakasuot siya ng sumbrerong kulay kayumanggi at may suot ding salaming may kulay kaya hindi ko makita ang mga mata niya. Bumaba ang tingin ko sa suot niyang sapatos na balat na sobrang kintab. Lumapit siya sa kinatatayuan ko. Bago nagsalita ang lalaki ay binigyan niy

