EPISODE 19

1143 Words
LUCIFER Aalis na sana ako sa ibabaw niya nang humigpit ang pagkakayakap sa akin. Nagkatitigan kaming dalawa. “Paumanhin mali itong ginawa ko. Hindi ko dapat ginawa ito,” sabi ko at saka inalis ang brasong nakapulupot sa beywang ko. Tumayo ako. Kinuha ko ang brief ko na nasa sahig at isinuot iyon. Bumangon si Jade.Walang pakialam kung hubad ang katawang nakabilad sa harapan ko. Kahit sanay akong nakikita ang hubad niyang katawan hindi ko pa rin maiwasang mailang. “Ikaw ang unang lalaking umangkin sa akin. Sa iyo ko ipinagkatiwala ang p********e ko, Luci. Dahil mahal kita,” naiiyak na sabi niya. Hinaplos ng awa ang puso ko nang makita ang luha niya sa mata. Hindi ko lang mapigilang ukilkilin ng konsensya dahil pareho kong kaibigan si Jade at Sergio. Mahal ng lalaki si Jade kaya parang mang-aagaw ako kung sakaling malaman nitong ako ang unang lalaking nakagalaw sa kanya. Lumapit ako at niyakap siya. Nang kumawala ako sa pagkakayakap, pinahid ko ang luha sa mga mata gamit ang hinlalaki ko. “Huwag ka ng umiyak,” sabi ko. “Angkinin mo ako, Lucifer. Nandito na at wala ka ng magagawa. Naipasok mo na, eh? Binitin mo pa ako,” nakangusong saad. Natawa ako at gayon din siya. Tama siya. Nandito na ito at nangyari na ang hindi dapat mangyari. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi at yumuko upang gawaran ng halik sa labi. Umatras si Jade patungo sa kama. Sinalo ko ang beywang niya at maingat na pinahiga. Wala man akong experience sa pakikpagtalik. Natural ng lumalabas ang mga bagay na dapat kong gawin. O dahil sa nararamdaman kong intensidad sa p*********i ko dahil sa pagkakadaiti ng mga katawan namin. Nang magsugpong ang aming mga kaselanan hindi ko mapigilang makaramdam ng sarap sa kaibuturan ng p*********i. Kahit alam kong bawal hindi na ako nag-atubiling angkinin si Jade nang paulit-ulit hanggang sa nakatulog kaming magkayakap. Nagising na lang ako na wala na si Jade sa tabi ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ang nangyari sa aming dalawa. Ako ang nakauna sa kanya. Ang akala ko ay may nangyari na sa kanila ni Sergio. Hindi ko rin maiwasang makonsensya at mangamba kapag nalaman niya ang nangyari sa amin ni Jade. Bahala na. Hindi ko naman iiwan sa ere si Jade. Paninindigan ko siya kung bibigyan niya ako ng pagkakataon upang pumasok sa buhay. Nagpasya akong bumangon upang maghanda sa trabaho sa club. Kailangan ko pang maglinis at ayusin ang mga gamit sa club. Mamaya umpisa na naman ng trabaho namin bilang dancer. Nagpapasalamat ako na medyo maluwag sa kanila ang bosd namin. Sinusunod naman kasi namin ang mga gusto niya - na kahit labag sa kalooban namin. Wala naman kaming magagawa dahil hawak kami sa leeg. Kung umalma kami ay siguradong may kalalagyan kami. Nang makapasok sa club nakita ko si Hubert na nag-aayos ng mga upuan. Nag-iisa lang nag-aayos. Tulog pa siguro ang iba. “Magandang umaga. Kumain na ba kayo?” tanong ko nang makalapit sa kinaroroonan niya. Umiling ito. Huminto sa ginagawa at hinarap ako. “Alam mo ba hindi kami kinakausap ni Sergio. Iniiwasan niya kami. Ewan ko sa gagong iyon, dinamay pa kami sa away niyong dalawa. Umamin ka nga Lucifer may namamagitan ba sa inyo ni Jade?” tanong na kinabigla ko. Napalunok ako. “Walang namamagitan sa amin ni Jade. Binigyan lang ng masamang kahulugan ni Sergio ang pagkakalapit naming dalawa. Hindi ako ang tipo ng kaibigan na mang-aagaw. Itinuring ko ng kapatid si Sergio kaya hindi ko magagawang saktan ang kaibigan ko,” sabi ko. Parang ibig kong batukan ang sarili ko dahil ang sinungaling kong tao. Ang ginawa ko kay Jade ay pagtatraydor kay Sergio. Ginalaw ko ang kanyang nobya. “Ang ugali ni Sergio masyadong seloso. Sa totoo niyan wala naman silang relasyon ni Jade. Umamin kasi siya na mahal niya si Jade kaya ang tingin ni Sergio sa kanya na ang babae. Masyadong territorial si Sergio pagdating kay Jade. Alam mo may chika ako sa iyo. Huwag kang maingay, ha? Sa atin lang ito.” Aniya. Wala pala ako dapat ikatakot. Wala naman palang relasyon ang dalawa. “Ano iyon?” tanong ko. “Kahit na ang trabaho ni Jade ay dancer at naghuhubad wala pang lalaki ang nakagalaw sa kanya. Kaya ganoon na lang ang pagbabantay ni Sergio sa kanya. Parang mamahaling gamit na dapat alagaan. Ganoon ang ginagawa niya kay Jade. Kaya nung nakita niyang parang close kayo ni Jade medyo natakot si Sergio. Naalala ko ang sinabi niya na papatayin niya ang taong gagalaw kay Jade.” Sa sinabing iyon ni Hubert hindi ako nakapagsalita. Napalunok ako. Hindi ko maiwasang magsisi sa ginawa ko kagabi. Natakot ako sa nalaman. Kumabog ng mabilis ang puso ko. Paano kung nalaman niyang ginalaw ko ang babaeng pinakamamahal n’ya? Ngayon pa lang kailangan kong paghandaan ang gagawin ni Sergio. Buong maghapong okupado ang isip ko tungkol sa sinabi ni Hubert. Nakita ko si Sergio, ngunit iniiwasan niya kami. Walang gustong magkomento kung bakit ganoon ang naging asal niya sa amin. Kung galit siya sa akin na lang. Huwag niyang idamay ang mga inosente, wala silang kasalanan. Hindi ko kayang ganito kami. Binabagabag ako ng konsensya sa ginawa ko. Kailangan kong aminin sa kanya tungkol sa nangyari sa amin ni Jade. Bahala kung saktan niya ako. Tatanggapin ko. Naglakad ako patungo sa kinatatayuan ni Sergio. Napasulyap sila sa akin. Pati si Jade ay napatingin na rin. Nilagpasan ko siya. Napahinto ako sa paglalakad nang may kamay na pumigil sa braso ko. “Luci. . .” Si Jade. Umiling siya. Nagkatitigan kaming dalawa. Nagmamakaawa ang kanyang mga tingin. Napasulyap ako sa kinatatayuan ni Sergio. Nanlaki ang mata ko nang makita kong nakatingin siya sa amin ni Jade. Napatingin ako sa kamay ni Jade na nakahawak sa braso ko. Napalunok ako. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa padalos-dalos na desisyon. “Lucifer, pinatawag kita kay Jade. Magpapatulong sana ako sa iyo.” Biglang singit ni Hubert na mukhang nakalahata sa tensyon sa aming tatlo nila Sergio. Ayoko mang maramdaman, ngunit ngayon ay lumulukob na sa sistema ko ang takot. Masamang tingin ang pinukol ni Sergio sa akin. Tila pinapatay na niya ako sa tingin pa lang. Napatingin ako kay Hubert. Nakikiusap ang tingin sa akin ni Hubert. Tumango ako. Bumalik ako sa kinaroroonan ko kanina. Inakbayan ako ni Hubert. “Ano bang pumasok sa isipan mo, Luci at may lakas loob ka pang puntahan si Sergio. Ano? Sasabihin mo ang nangyari sa inyo ni Jade. Huwag na huwag mong gagawin iyan dahil hindi mo kilala si Sergio.” Nagulat ako sa sinabi ni Hubert. Paano niya nalamang may nangyari sa amin ni Jade? Ibubuka ko sana ang bibig ko upang magsalita at ipaliwanag ang side ko, ngunit mas pinili kong tumahimik. Napasulyap muli ako kay Sergio, ngunit wala na siya sa kinatatayuan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD