LUCIFER Bumalik ako sa umpukan na bagsak ang balikat. Bakit pinag-iisipan niya ako ng masama? Saka laro lang naman iyon. Sana pala hindi ko na lang tinugon ang halik niya. Naging mahina ako sa tukso. “Anong nangyari? Galit ba si Sergio?” tanong ni Ellen. Bumalik ako sa pwesto ko kanina. “Bakit galit si Sergio?” singit na tanong ni Harry. Napasulyap ako kay Jade. Umiwas siya ng tingin. “Meron lang kaming hindi pagkakaunawaan. Kakausapin ko na lang siya kapag humupa na ang init ng ulo niya,” sabi ko. Ayaw kong sabihin na tungkol ito kay Jade. Ayaw kong ipahiya siya sa mga kaibigan namin. “Alam mo napapansin ko riyan kay Sergio, parang may itinatago siya.” Lahat kami ay napatingin kay Harry sa komento niya. “Ano’ng tinatago niya? Madalas ako ang kasama niya kaya alam kong wala nam

