LUCIFER Magmula noong nakaraang linggo ay nag-iba na nang trato ang boss ko sa akin. Inalis na niya ako bilang bodyguard ni Jade. Inilipat ako sa mahirap na trabaho. Kasama ko ang ibang tauhan ni boss na nagdi-deliver ng droga sa mga kliyente naming bigatin. Ang pinagsasalamat ko ay kasama ko si Hubert. Sa totoo inis sa akin ang tauhan ni boss. Hindi ko nga alam kung bakit sila inis sa akin. Hindi ko naman sila nakasama o kilala ng personal. “Hoy! Kumilos kayo hindi 'yang nakatayo lang kayo riyan! Ano kayo boss?” Inis na sabi ng lalaki. Nagkatinginan kami ni Hubert. “Kung hindi lang ako makapagpigil kanina ko pa binatukan ang mayabang na iyan. Sa lahat ng tauhan ni boss iyan ang nakakainis ang ugali. Akala mo boss kung mag-utos sa atin. Mukha naman siyang gorilya.” Inis na sabi ni Hube

