EPISODE 39

1619 Words

LUCIFER Nagising ako nang may maramdamang lamig sa buong katawan ko. Sa nanlalabong paningin ay naaninag ko ang tatlong lalaki na nasa harapan ko. Ang isang lalaki ay may hawak na timba at ang dalawa naman ay may hawak na mahabang kahoy. Hindi ako nakatali at nakalugmok ako sa marumi at malamig na sahig. Ramdam na ramdam ko ang hapdi ng mga sugat sa katawan ko. Ramdam ko rin ang pamamaga ng mata ko. Wala akong suot sa pang-itaas. Ang tanging suot ko ay pantalon. Bumalik sa alaala ko ang nangyari. Dinala ako ng tauhan ni boss sa isang abandonadong gusali at doon pinahirapan nila ako ng husto. Dahil sa pambubugbog nila sa akin ng walang humpay ay nasabi kong wakasan na lang ng diyos ang buhay ko. Mas gusto ko pa ngang mawala na lang sa mundo. Aanhin ko pa ang mabuhay kung wala na ang bab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD