JADE Lumabas ako sa silid upang makasagap ng sariwang hangin. Dumiretso ako sa hardin. Pinag-iisipan ko pa kagabi kung sasabihin ko sa Nanay ni Lucifer ang kalagayan ko. Nagdadalawang-isip ako. May takot akong nararamdaman. Although sinabi niyang ayos lang sa kanya na ako ang asawa ng dating asawa. Hindi ko maiwasang mangamba. Ang hirap ng pagtiwala sa ibang tao. “Good morning,” napalingon ako sa nagsalita. Bahagya akong ngumiti, nahihiya. “Good morning din po, ma’am,” balik na bati ko sa kanya. Nakasuot lang siya ng simpleng pantulog na pajama at shirt na silk ang tela, kulay blue. Tatayo na sana ako nang pigilan niya ako gamit ang kamay nito. Umupo siya sa tabi ng kinauupuan ko. May nilapag siyang tasa sa coffee table na nasa harapan namin. “Dito rin ako umiinom ng kape ko sa tuwin

