LUCIFER Nangunot ang noo ko nang biglang pumasok sa opisina ko. It’s Victor. Expected ko na pupuntahan niya ako dito sa opisina ko. Bored ko siyang tiningnan. He was furious. His eyes appear to flare into flames. Without saying anything, he grabs my collar. “Where is my wife?!” galit na tanong niya. Ngumisi lang ako at hindi natakot sa nagbabaga niyang tingin sa akin. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa kuwelyo ko at saka tinulak siya nang malakas. “Why are you asking me? Hindi ba ikaw ang asawa niya at hindi ako?” sarkastiko kong sabi. Matalim ang tingin niya sa akin. “Alam kong kinuha mo siya at itinago! Huwag ka nang magkaila pa,” aniya. Natawa ako nang nakaloloko. “Kung tinago ko siya, bakit nandito ako? Kung kasama ko siya, hindi na ako magpapakita dito, lalo na sa i

