JADE Napahawak ako sa lalaki nang alalayan niya akong makasakay sa isang sasakyan na naghihintay sa labas. “Pasensya ka na hindi mo mahawakan masyado ang braso dahil sa sobrang laki ng muscle ko,” sabi ng lalaki na kinatingin ko sa kanya. Hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Okay lang ba siya? Nas gitna kami ng panganib, pero parang sa kanya ay laro lang ito. Nakukuha pa kasi niyang magbiro o masasabi kong conceited lang ang lalaking ito. Pumasok ang isa pang lalaking kasama namin. Natatandaan kong pangalan niya ay Louie. Nakangiti pa siya na tila walang kahirap-hirap na napatumba niya ang ilan sa tauhan ni Victor. Ang iba ay nakakapagtakang nakahig at walang malay. “Pasensya ka na sa isang iyan. Mahangin kasi siya kaya huwag ka ng magtaka sa pinagasasabi niya sa iyo,” aniya at

