JADE Ang akala ko pupunta kami ng ibang bansa, pero dinala niya ako sa liblib na lugar. Wala akong ideya kung saan ang lugar na ito dahil sumakay kami ng helicopter niya. Hindi ako makakatakas dahil madaming nakabantay sa labas. Sino ba ang makakatakas sa lugar na ito kung isla ang kinalalagyan ng mansyon ng asawa ko. Nakatingin ako sa malawak na karagatan na natatanaw ko mula dito sa taas silid kung saan ako natutulog. Pumatak ang masaganang luha ko habang nakatitig sa kawalan. Napahawak ako sa aking tiyan. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin kung malaman ni Victor na buntis ako at si Lucifer ang ama. Sigurado akong papatayin niya ako at ang anak ko. Isang linggo na kami dito sa island. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako sa Maynila o baka dito na ako maninirahan. Agad k

