JADE “Bakit kailangan mo pang pumasok sa opisina kahit weekend. Pwede namang si Mr. Hernandez na lang muna. Mapagkakatiwalaan mo naman siya.” Suhestiyon ko sa asawa ko habang inaayos ang necktie nito. “I am very okay. Don’t worry about me. Malakas pa ako,” pagbibigay niya ng assurance sa akin. Naparolyo ako ng mata. He looks not okay dahil namumutla siya. Sinabihan na siya ng doktor na hindi na siya pwedeng magtrabaho at magpagod. Makakasama sa katawan niya dahil mahina na ang immune system niya. Hinawakan ng asawa ko ang dalawa kong kamay at hinagkan ang ibabaw ng kamay ko. “I love you,” sabi niya. Sa tuwing sinasabi niya iyon sa akin ay hindi ako makapaniwala. Dati kasi ang tingin niya sa akin ay mababang uri ng babae. Sinasabihan niya ako palagi na wala akong kwenta. Dahil sigu

