Tamara’s POV Naging okay naman kami ni Grandma pero lagi niyang tinatanong kung nakapagdesisyon na akong kalimutan si Gray at ngayon ay nasa hapag kainan kami at kumakain ng dinner. Tahimik lang kami at minsan ay napapasulyap sa akin si Grandma. “Hindi ko po iiwan si Gray kung yan ang gusto niyong itanong.” Magalang kong sambit dahilan para mapatigil si Grandma. Tumigil sa pagkain ito at binaba ang kubyertos na hawak niya. “Okay.” When Grandma said that ay napaangat ako ng tingin sa kanya at nagulat dahil akala ko ay papayagan na niya ang relasyon namin ni Gray. Pero yun ang akala ko. “I don’t have any other choice but to force you.” When she added that ay napakunot ako ng nuo. Force me? Pinunasan niya ang labi niya ng table napkin tsaka sinenyasan ang butler niya na laging kasama nito

