Gray's POV I saw how Tamara smiled genuinely with so much happiness on her face. Kahit kinakabahan sa gagawin ko ay hindi ko mapigilang maging panatag ng makita ko ang mukha ni Tamara. Her angelic and innocent face makes me want to fight for her until my last breathe. Naramdaman ko ang pagtapik ni Ethan sa likod ko. "Nandito lang kami sa likod mo, kapag nagkagulo na tsaka kami pupunta sa harap mo." Pabirong bulong sa akin ni Terrence kaya narinig ko ang mahina nilang mura kay Terrence. "Kapag lumabas na yung sungay ng Lola ni Tamara ay kanya-kanya ng takbuhan ah!" Nanunuyang bulong ni Rhodney sa akin at mahina silang natawa. Unti-unti na akong humakbang ng dahan-dahan at bawat hakbang ko ay kitang-kita ko kung paano naging marahas ang bawat hinga at galaw ni Donya Marianna. Malamig

