Dahil sa wala pang bakanteng kwarto sa ginagawang spa ni Ate ay inimbitahan niya na lamang ako sa kanyang sasakyan para maipakita ang plano. Bumungad sa akin ang kanyang pabango nang makasakay ako sa sasakyan. Magkaiba ang amoy ng kotse nila ni Marco. Kay Marco kasi ay medyo matamis ang amoy dahil sa flavored scent na nilalagay niya sa kotse. Itong kay Sir Nico ay ang lakas makalalaki ng amoy. Hindi gaanong matapang, nakakaadik pa nga ang amoy na iyon. He rolled out a blueprint and presented it to me. “Ms. Aldana told me that you’re still an undergrad. Anong year mo na?” Hindi ko maintindihan kung bakit natatakot akong makausap siya. Kinakabahan ako na kasama ko siya ngayon dahil siguro hindi siya palangiti at baka isang mali ko lang ay magalit siya sa akin. Napakaseryoso at

