Sinenyasan ko si Marco na huwag mag-ingay. Bumangon ako at nagtungo sa terrace. “Maayos na po, Ate. Wala kang dapat alalaahanin sa akin.” Kinakabahan ako sa ginagawa kong pagsisinungaling kay Ate. “Ganoon ba? Magpahinga ka kasi ha? Baka masyado ka nanamang nagpapagod at napapabayaan mo na ang sarili mo.” Lalo akong nakonsensya. “Opo, Ate Maricar. Pasensya na kung napag-alala pa kita.” “Ano ka ba, kapatid kita kaya kahit anong mangyari ay mag-aalala talaga ako sayo. Oh siya, kinamusta lang kita. Babalik na ko sa trabaho ko.” Naibaba na ni Ate Maricar ang tawag. Nagtagal ang tingin ko doon sa aking phone. “Hindi ka nagpaalam sa Ate mo?” Tanong ni Marco. Umiling ako saka nahihiyang tumingin sa kanya. “I’m sorry. Hindi ko kasi masabi dahil panoguradong magtat

