Kabanata 4

3268 Words
“Ito pa, gusto kong suotin mo iyan ha? Ang mga lumang damit mo, itapon mo na kasi hindi magandang tignan. College ka na, Gabby. Dapat ay natututo ka ng mag-ayos ng sarili mo.” Tumayo siya at lumapit sa aking drawer. Pinagkukuha niya ang mga damit ko at nilagay sa isang malaking plastic.   Napanganga ako sa ginawa niya.   “Ate Maricar naman! Comfort clothes ko iyan. Huwag mo naman pong itapon kasi magagamit ko pa naman iyan.” Nakasimangot kong kinuha ang mga damit ko sa mga plastic na iyon. Umupo akong muli sa aking higaan at tinupi ang mga iyon.   “Hay nako, Gabby. Paano ako makakasigurong gagamitin mo itong mga damit na ito? Sayang naman. Branded clothes ito at hindi halatang pinaglumaan ng anak ng amo ko. Sana ay huwag mong itengga lang sa drawer.”   “Ate, hindi naman po babagay sa akin iyan. Tignan mo naman ang itsura ko, ang balat ko. Hindi naman ako kaputian tulad mo at lalong hindi ako makinis. Nakakaasiwa lang iyan tignan sa akin.” Nilapag ni Ate ang plastic at lumapit sa akin. She held my hand and looked at me intently.   “Gabriella, ito ang gusto kong tandaan mo ha…” Nakakahalina ang hinhin ng boses ni Ate. Talagang makikinig ka sa sasabihin niya dahil kahit kailan, napakalambing ng boses nito. Tipong pinapagalitan na ako ay malambing parin.   Hinawakan niya ang aking pisngi.   “You’re beautiful, Gabby. Hindi man ganoon kaperfect ang itsura mo ngayon ay alam kong may nakatagong ganda sa iyo. Lalo na ang kalooban mo. You’re the kindest sister I could ever wish for. You’re a smart woman and I know that someday, you will conquer your own world. Leaving behind those negative thoughts brought by stupid people who made you feel ashamed of yourself.” Kinagat ko ang aking labi dahil pakiramdam ko nag-iinit ang aking mga mata.   Sobrang nararamdaman ko mula sa kanya kung gaano siya kaswerte na ako ang kapatid niya. She appreciates me more than I do to myself. She loved me more than I love myself.   “I want you to start loving yourself, Gabby. Iyon ang pinakaunang hakbang para magkaroon ka ng tiwala sa sarili mo. Learn to love your flaws and never be ashamed of it. Tao ka, Gabby. At pati narin ang lahat ng nanunukso sayo. Everyone has their own imperfections at swerte mo dahil physical appearance ang sayo. That could be enhanced over time. Kaysa sa mga basurang ugali ng iba na mas mahirap baguhin dahil kahit anong pilit itago, mangangamoy padin.”   Hindi ko nakayanan ang mga words of encouragement ni Ate. Naiyak ako sa harapan niya. She hugged me tight and comforted me for a minute. Napakaswerte ko talaga sa Ate ko. Lahat na nasa kanya.   Maganda siya, singkit ang mata at mas pumuti ang kanyang kutis dahil sa matagal na paninirahan sa Japan. Kuminis din lalo ang ang kanyang mukha at natural na ang pamumula ng kanyang pisngi at labi.   Bukod pa riyan ay matalino din si Ate Maricar. Siyempre, kanino pa ba ako magmamana kundi sa kanya. Mabuti na nga lang at naipagpatuloy niya ang pag-aaral sa Japan kaya’t nakatapos pa siya. Business Management ang natapos niyang kurso. Gusto niya rin sana ang Architechture ngunit masyado iyong magastos at hindi iyon kayang tustusan ng aming mga magulang noon.   Kaya naman noong mapansin niya ang kakayahan kong gumuhit ay agad niya akong inalok sa kursong iyon. Sabi pa nga ay ako na ang magpatuloy sa pangarap niyang hindi niya matutupad para kahit papaano ay maging masaya siya.   Bukod sa ganda at talino, sobrang halata naman ang kabutihan sa pagkatao ng aking kapatid. She sacrificed everything for me. Nilunok niya lahat ng lungkot at pag-aalala habang nasa Japan siya at ako ay naiwan mag-isa dito. Nagtiis siya ng ilang taon na pagtatrabaho malayo sa akin. She has a heart of gold and she’s so precious.   Ngayon palang ay nasisiguro ko ng maswerte ang mapapangasawa ni Ate. Kaya nga ngayon ay nagsisikap narin akong makapagtrabaho kahit part-time lang dahil kung buong pag-aaral ko ay sasagutin ni Ate, baka tumanda na itong dalaga sa sobrang pagsisikap para sa akin.   I want her to enjoy her life now because she didn’t enjoy her youth. Maaga siyang namulat sa kahirapan ng buhay at sa oras na ito hanggang sa makatapos ako, gusto kong makabawi sa kanya. Gusto ko na siyang pauwiin dito sa Pilipinas para makapagpahinga na siya sa ilang taon na pagtatrabaho.   Kinabukasan ay hindi na ako nakipagtalo kay Ate nang ihanda niya ang mga napiling damit na isusuot ko sa pagpasok. Sakto kasing wash day ngayon at hindi kailangan na nakauniform kami sa loob ng university.   Lumabas ako ng banyo at pilit na hinihila pababa ang damit na kinulang ata sa tela. Halos makita na ang tyan ko kapag nagtataas ako ng kamay. Nakakahiya, bakit may ganitong klase ng damit?   “Ate, makikitaan naman ako ng tyan at likod sa pinasuot mo sa akin.” Natawa si Ate Maricar sa sinabi ko.   “Gabby, style iyan. Crop top ang tawag diyan at nakakasexy iyan. Tignan mo nga, terno siya sa high waist na suot mo. Sabi ko na nga babagay sa iyo ang damit na iyan eh.” Namewang si Ate at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. Umikot siya sa akin.   “Kulang ng make-up. Halika at aayusan kita.” Hinila niya ako palapit sa higaan at pinaupo ako doon. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na umangal dahil naging abala na ito sa paghahanap ng kanyang make-up.   Seryoso ba talaga si Ate sa balak niya?   Kinuha niya ang maliit na upuan at pumwesto sa aking harapan.   Nagmamakaawang tumingin ako sa kanya.   “Ate, huwag na. Please naman. Okay na itong damit. Huwag mo ng lagyan ng kung ano ang mukha ko, baka dumami lalo ang tigyawat ko.”   Nakakalokong ngumiti si Ate. Bumagsak ang aking balikat dahil doon palang ay alam ko na agad na hindi niya ako pagbibigyan sa pakiusap ko.   “I won’t give you heavy make-up. Tints and brows lang naman.” Inumpisahan niya ang aking kilay.   Inahit niya iyon at nilagyan ng korte. Pagkatapos ay ginuhitan na niya ng lapis. Sumimangot ako at hinayaan na lamang siya. Buburahin ko nalang pagdating ng university.   “Magsend ka ng picture sa breaktime mo ha. Kapag ito tinanggal mo mamaya, magtatampo talaga ako.” Napanguso ako. Alam talaga ni Ate ang tumatakbo sa utak ko.   Ganoon din ang kanyang ginawa sa aking kabilang kilay. Lumayo siya sa akin pagkatapos at pinagmasdan ang aking mukha. Napangiti siya at tila proud sa kanyang ginawa sa akin.   “Huwag kang sumimangot, Gabby. Mawawalan din ng sense ito. Smile is your best weapon. Maganda ang hubog ng ngipin mo kaya ipangalandakan mo iyan.”   Nilagyan niya ang aking labi ng sabi niya ay lip balm. Para daw maging moist at makintad ang aking labi. Pagkatapos ay pinatungan niya iyon ng lip tint. Nilagyan niya rin ng kaunti ang aking pisngi para magmukha daw akong fresh.   As if naman. Sa dami ng tigyawat ko ngayon ay hinding-hindi ako magmumukhang fresh.   Pumalakpak siya nang matapos siya. Hinarap niya ang kanyang maliit na salamin sa aking mukha para mapagmasdan ko ang ginawa niya doon.   Hindi ko napigilan ang pagngiti. Okay naman, maayos naman. Nandoon parin ang mga tigyawat at kita ang mga iyon ngunit kahit papaano ay nagmukha akong tao ngayon.   “See! May igaganda ka pa kapag nawala na ang mga tigyawat mo. Huwag kang mag-alala at pag-iipunan ko ang mga gamot at pamahid para mabawasan ang acne mo.” Nagsalubong ang aking kilay.   “Ate, huwag na.” She helped me fixed my hair. Itinali niya iyon ng maayos para hindi matakpan ang aking mukha. Kinuha ko ang aking makapal na salamin at sinuot iyon. Medyo nahihilo na nga ako minsan dito, mukhang kailangan ko nanamang maipacheck ang mata ko.   “Teka, panira iyang salamin mo. Dapat pala binilhan narin kita ng contact lens. Nahaharangan lang ang mukha mo eh.” Ngumuso ako.   “Okay na ko sa salamin ko, Ate. Hindi ako marunong maglagay ng contact lens. Saka huwag ka na din gumastos sa mga ganitong bagay.”    “Why not? Hayaan mo na ako, Gabby. Natutuwa akong gawin ito sayo. Feeling ko ay manika ka na dapat kong ayusan.” Natatawang sabi nito. Nailing na lang ako at hindi na nakipagtalo pa. Sinilip ko ang oras sa aking relo at nakita kong 30 minutes nalang ay klase ko na.   Nagpaalam na ako sa aking kapatid. Siya na ang nagbayad ng tricycle na sasakyan ako at kumaway ito habang palayo ako.   Napasandal ako sa upuan. Unti-unti akong kinakabahan. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng mga kaklase ko. Hindi naman malaki ang naging pagbabago sa aking mukha kaya makikilala nila ako.   Pagdating sa university ay nakayuko lamang ako habang naglalakad. Ayokong tumingin sa paligid dahil baka may makahalata sa ayos ko.   Dahil sa nakayuko ako habang naglalakad ay hindi ko na namamalayan ang dinadaanan ko. Hindi ko napansin na nasa hagdan na pala ako at halos matalisod kung hindi lang ako hinawakan at hinila pabalik ng kung sino.   Umangat ang aking tingin at nakita ang isang lalaking pamilyar sa akin. Matagal akong napatitig sa kanya habang inaalala kung saan ko nga ba siya nakita.   “Be careful. Look straight where you’re walking.” Pagkasabi ng lalaki ay agad din naman itong umalis sa harap ko.   Naalala ko na kung sino siya. Siya iyong amo ng shitzu na dumila sa mukha ko. Nakalimutan ko na ang pangalan niya pero si Daisy ay tanda ko pa. Hindi ko na inisip ang pagtatakang bumalot sa akin kung bakit siya narito dahil malapit na ang time para sa una kong subject.   Pagkapasok sa aking unang klase ay sabay-sabay na umangat ang tingin sa akin ng tao doon. Karamihan sa kanila ay tumingin sa akin mula ulo hanggang paa. Narinig ko ang pagsipol ng ilang mga kalalakihan bago nagsipagtawanan. Tumagal ang titig sa akin ng mga babae bago ako inirapan at nagpatuloy sa kanya-kanyang ginagawa.   Inayos ko ang aking salamin at saka nahihiyang dumiretso sa aking upuan. Sabi ko na nga ba at hindi magandang ideya itong pinaggagawa sa akin ni Ate.   Umangat ang aking tingin sa dalawang lalaki na nagpagawa ng assignment sa akin. Dali-dali kong kinuha ang kanilang notebook at binigay iyon sa kanila. Ang isa ay kinuha iyon sabay lapag ng bayad sa aking mesa saka umalis. Napangiwi ako habang kinukuha ang pera na iyon.   Ang isa ay ngumiti sa akin. Hindi ako kumportable sa ngiti niyang iyon pero sinuklian ko na lamang iyon. He handed me the money.   “You look pretty today. You should do your make-up more often. And your clothes, it improved a lot.” Sincere na sabi nito. Nagpaalam na siyang aalis sa harapan ko ngunit sinundan ko siya ng tingin.   Hindi ako makapaniwala sa naging turing niya sa akin. The face and clothing really matters a lot. Malaki talaga ang diskriminasyon kapag hindi ka maganda at mukha kang losyang manamit.   Ngayong nag-ayos ako ay may iilan parin na hindi maganda ang tingin at turing sa akin ngunit kahit papaano ay mas naging magaan ang pakiramdam ko dahil may katulad ng lalaki kanina na nagtangkang kumausap sa akin.   Mukhang maganda nga talaga ang maidudulot ng mga dalang damit ni Ate. Sa ngayon ay kailangan kong pag-ipunan ang pambili ng mga simpleng make-up at ilang mga gamot pamahid para hindi na lumala pa ang aking acne. Para narin mawala ang mga pimple marks at maging kasing kinis na ako ni Ate Maricar.   Magaan ang aking pakiramdam para sa araw na iyon. Pagkauwi ko ay pinagbuksan ako ni Ate Maricar. Laking tuwa niya nang makitang hindi ko tinanggal ang kilay at kaunting make-up sa aking mukha. Medyo nahulas lang ang liptint dahil sa madalas kong pagdila sa aking labi ngunit bukod doon ay maayos pa naman ang aking itsura.   Natawa ako nang makitang nakahanda na rin pala ang uniform na susuotin ko para sa trabaho mamaya.   “Iyang pantalon na lang din ang suotin mo tapos ituck-in natin ang polo shirt na iyan para maganda tignan. You have a beautiful curves. Naiinggit kaya ako sa maliit mong bewang!” Hindi na ako umangal sa kanya dahil base sa mga naging reaksyon ng aking kaklase kanina ay hindi na masamang subukan ang mga pinaggagawa sa akin ni Ate.   Saka isa pa, gusto kong ipakita kay Sir Marco itong maliit na pagbabago sa akin kahit pa pansamantala lang. Kailangan ko pang matutunan kung paano ang make-up at tamang pagblend ng damit at sigurado akong aabutin pa ng ilang linggo o buwan iyon.   Sinamahan ako ni Ate maglakad papunta sa trabaho. Binuksan ko ang pintuan ng petshop at kasabay niyon ay ang pag-angat ng tingin sa amin ni Charles.   “Goodafternoon, Ma’am. Welcome to our petshop…” Nanliit ang kanyang mata sa akin. Kinusot niya ang mga iyon at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.   “Gabby? Ikaw ba iyan?” Sumunod sa akin si Ate at tumabi sa akin. Inakbayan niya ako at pinagmasdan ang paligid ng shop.   “Maayos ba ang tungo sayo ng mga tao dito? Hindi ka naman nabubully?” Mahinang bulong ni Ate Maricar.   “Mababait sila dito, Ate.” Lumapit ako sa counter at tumabi na kay Charles sa loob. Nanatili si Ate sa kabilang side. Ipinatong niya ang kanyang braso sa counter at napatingin kay Charles.   Nakita ko ang lalaki na namamanghang nagpalipat-lipat ng tingin sa aming magkapatid ngunit mas nagtatagal ang titig niya sa akin.   “Pwede ka naman pala mag-ayos, Gabby! Bakit hinahayaan mong maliitin ka ng iba?” Muling dumako ang tingin niya kay Ate. Tumikhim ako.   “Charles, ito pala si Ate Maricar. Siya ‘yung kapatid ko na kinukwento ko sa iyo na nasa Japan.” Ngumiti si Ate kay Charles.   “Hello, Charles.” Nahihiyang ngumiti si Charles sa aking kapatid. Napakamot pa ito sa kanyang batok. Bahagya siyang lumapit sa akin at bumulong.   “Ang fresh naman ng Ate mo. Ang ganda pa.” Natawa ako sa binulong niya.   “Sumbong kaya kita sa girlfriend mo?” Mabilis siyang lumayo sa akin at sinamaan ako ng tingin.   Umalis na si Charles. Si Ate ay nanatili dito at sa ngayon ay kausap niya si Ma’am Irina. Lumabas kasi si Ma’am kanina at nakita si Ate. They both get along well. Expected ko na iyon dahil magkaedaran sila. Medyo malayo ang ugali nila ngunit sigurado ako na magkakasundo naman sila.   Hindi rin nagtagal si Ate sa shop dahil nagpaalam itong uuwi na para makapagluto ng hapunan. Naiwan akong mag-isa sa mismong shop. Panay ang angat ng aking tingin sa tuwing may pumapasok sa petshop. Ganoon nalang ang aking pagkadismaya sa tuwing nakikitang hindi si Sir Marco ang pumapasok.   Hindi ba siya bibisita ngayong hapon? Sayang naman, gusto ko pa naman makita ang reaksyon niya sa itsura ko. Alam kong hindi sobrang ganda pero tulad nga ng sabi nila ay nag-improve naman.   Mag-aalasais na ngunit walang Sir Marco na nagpakita sa shop.   “Himala at walang unggoy na pumunta dito.” Maaliwalas ang mukha ni Ma’am Irina. Mukhang malaking ginhawa nga talaga sa kanya ang hindi pagpunta ni Sir Marco. Taliwas sa nararamdaman ko ngayon.   “Alam mo, part-timer. Dapat talaga ay umpisahan mo na ang pag-aayos ng sarili mo. You should do it for yourself. Diyan magsisimula ang pagkakaroon mo ng kumpiyansa sa sarili and later on, it will boost your confidence.”   Nagpaalam na si Ma’am Irina sa akin at naglakad na ako pauwi. Habang pauwi ako ay hindi ko maiwasan ang mapangiti. Sobrang saya ng nararamdaman ko dahil sa mga encouragement ng taong malalapit sa akin para sa pagsisimula ng pagbabago sa akin. Nakakatuwa na suportado nila ako ng sobra.   Sayang lang at hindi nakita ni Sir Marco. Natitiyak kong ganoon din ang magiging reaksyon niya tulad ng kila Charles at Ma’am Irina. Since he was one of the people who tried to comfort me.   Pagkarating sa apartment ay nakita ko sa loob ng aking apartment si Ate habang masayang kausap si Lola Grace. Nakabalik na pala ito sa unit niya.   Sabay silang lumingon sa akin. Malalaki ang ngiti sa akin ni Lola hanggang sa makalapit ako sa sala.   “Sabi ko na nga ba at maganda ka talaga! Sakto iyan dahil may mga dala ako para sayo.” Binuklat niya ang isang plastic na nakalagay sa sahig. Isa-isa niyang nilagay ang iba’t-ibang klase ng sabon sa lamesa at natutuwang ipinakita iyon sa akin.   May mga malalaking bote din ng lotion at creams iyon. Napanganga ako dahil naglalakihan talaga iyon at halos tatlong piraso bawat gamit. Napakarami niyon!   Ngiting-ngiti din si Ate at halatang mas excited pa sa akin.   “Lola! Saan po kayo nakakuha ng pera para diyan!? Ang dami naman po saka ang lalaki! Sigurado akong napakamahal ng mga iyan.” Nakita ko din doon ang mga facial wash na nakita ko sa watsons.   Nanliit ang mata ko na may-isa pa palang plastic sa kabilang banda. Sunod niya iyong kinuha at maingat na nilapag sa tabi ng mga lotion. Nanlaki ang aking mata nang makitang samu’t-sari ng make-up ang laman niyon. Puro isang set ang mga iyon at sigurado akong kung kukwentahin ang lahat ng ito ay isang buong tuition ko na iyon para sa isang taon!   I was speechless. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nakikita ko.   “Huwag mong isipin ang gastos kasi may extrang binigay si Cocong sa akin kaya naman naisipan kong bilhan ka ng mga bagay na ito. Matagal ko na kasing naiisip na tulungan kang ayusin ang sarili mo. Naunahan lang ako nito ni Maricar.” Nagtawanan sila. Masayang tumingin sa akin ang kapatid.   “Gabby, may dalawang araw pa ako dito bago ako bumalik ng Japan. Sa dalawang araw na iyon ay tutulungan ka namin ni Lola na gumanda. Kapag nakaalis na ako ay sigurado naman akong hindi ka pababayaan ni Lola Grace. Ituturo niya parin sayo ang tamang paggamit ng lahat ng iyan.”   Hindi parin ako makapagsalita. Natatawang hinawakan ni Lola Grace ang aking kamay.   “We want you to start doing something for yourself. I want you to be proud of your looks and we will guide you throughout your journey. Maganda ka na pero papagandahin pa natin iyan.”   Pakiramdam ko ngayon ay ako si Cinderella at si Ate Maricar at Lola Grace ang aking mga fairy godmother. Ang pinagkaiba lang ay hindi ito instant dahil alam kong mahaba-habang proseso ang gagawin namin para matutunan ko ang lahat ng mga ito.   Masaya kaming kumain sa hapunan na iyon. Nakikinig at minsan ay nakikisali ako sa nakakalokong usapan ni Ate Maricar at ni Lola Grace. May pagkakwela kasi magkwento si Lola at talagang naaaliw kami ni Ate.   Bago umalis si Lola sa aming unit ay bibigyan niya ako ng listahan ng mga pinamili niya at kung para saan at paano gamitin ang mga iyon. Nakakatuwa dahil mukhang pinaghandaan niya talaga. Binilinan niya akong idikit iyon sa pader ng aking kwarto para hindi ko malimutan.   Nakakatuwa dahil todo effort sila para sa akin kaya naman lalo akong naiinspire na ipagpatuloy ang mga ito para naman hindi masayang ang lahat ng ginagawa nila.   Habang nakahiga ay pumasok sa isip ko si Sir Marco. Napangiti ako. Sana ay magustuhan niya ang ginagawa ko sa sarili ko. Sana magkaroon ng pagkakataon na makita niya ang isang tulad ko. Sana ay mapansin niya na ako.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD