Kabanata 3

3311 Words
Nilalaro ko ang aking kamay habang nakayuko at nakatingin sa sahig. Panay ang sorry sa akin ng dalawang gwardya matapos itong mapagalitan ng head ng security. “You’re so quick to judge her. She just wants to stroll inside and buy her stuff but the two of you won’t let her. Pinahiya niyo pa siya sa ibang tao. Kung ako siya, magsasampa ako ng kaso sa inyong dalawa.” Malupit na sabi ni Sir Marco. Bahagyang umangat ang aking tingin sa kanya. His brows are furrowed while looking at the guards. Halata ang pagkairita nito dito at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kakaunting saya sa aking puso. This is the first time that someone stood up for me aside from my family. Ni hindi kami talagang magkakilala pero pinagtatanggol niya ako. Lumingon siya sa akin kaya naman mabilis akong napatingin sa sahig. “What do you think?” Tanong niya sa akin. Umusbong ang matinding kaba dahil ang dalawang pares ng kanyang mata ay nakadirekta sa akin. Nauutal akong nagsalita. “H-Hindi na po Sir Marco. Gusto ko na lang po talaga makapasok sa loob. Pasensya na po sa abala.” Nahihiya kong sabi. Malalim ang naging buntong-hininga ni Sir Marco. “See? She’s so kind. Tapos pinag-isipan niyo pa siya ng masama.” Muling humingi ng paumanhin ang mga gwardya sa kanya at maging sa akin. Hinayaan na nila kaming makapasok sa loob ng mall. I was walking behind him when he stopped and faced me. “Where are you going?” Bakas parin ang pagkairita sa kanyang boses ngunit pilit siyang ngumiti habang nakaharap sa akin. “Ah, mamasyal lang po. Maraming salamat po, Sir Marco.” Napalunok ako nang makitang muli ang kanyang ngiti sa akin. Lumapit siya sa akin at tinapik ang aking balikat. “No worries. Sige mauna na ako sayo.” Nagpaalam ito sa akin bago naglakad papalayo. Ilang minuto din ata akong nanatiling nakatayo sa kinalalagyan ko bago ko naisipan na maglakad. Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina. Niligtas niya ako sa tuluyang pagkapahiya kanina. Nakakatuwa dahil ang bait niya sa akin kahit hindi naman kami close. Lalo ko lang tuloy siya nagugustuhan. Habang naglilibot sa mall ay hindi ko maiwasang mapatingin sa mga naggagandahang damit na nakadisplay sa bawat boutique na nadaanan ko. Pangarap kong makapagsuot ng mga ganoong klaseng damit ngunit mukhang hanggang pangarap nalang iyon. Umatras ako sa isang boutique nang makita ang sama ng tingin sa akin ng bantay doon. Tumitingin lang naman ako, wala naman akong gagawing masama. Sunod kong nadaanan ang Watsons. Pansin ko ang pagsunod sa akin ng tingin ng mga babaeng namimili din doon. Maging ang mga attendant ay nag-aalangan kung lalapit ba at babatiin ako. Sobrang pangit ka na siguro talaga kaya ganyan ang tingin nila sa akin. Kung alam lang nila, gusto ko rin naman na mag-ayos ng sarili. Kaso lang ay hindi ko alam kung paano ko iyon sisimulan. Wala akong pera at mas lalong wala akong alam sa mga pagpapaganda. Gusto kong maging maayos ang sarili ko hindi lang para matigil na ang kakaibang tingin at lihim na panunukso sa akin ng mga tao. Gusto kong gumanda para sa sarili ko. Gusto kong maging confident sa panlabas na anyo ko. Gusto ko ng ihinto ang pagmamaliit sa sarili ko at nais kong matulad sa ibang babae na naririto na proud at may tiwala sa sarili. Higit sa lahat, gusto kong mapansin ako ng taong gusto ko. Alam kong sa itsura kong ito ay walang tatanggap sa akin. Maaari akong tumandang dalaga kapag hinayaan ko ang sarili kong ganito. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang pangit na tulad ko? Wala. Nagtungo ako sa isang stand kung saan may mga facial wash na nakatutulong sa pagpapagaling at pagpigil ng pagtubo ng mga tigyawat. Naririnig ko iyon kay Lola Grace sa tuwing nagrereklamo ako sa mga tigyawat ko. Tinandaan ko ang pangalan ng mga nababanggit niya at hinanap iyon dito. Nang makita ko ang produkto ay agad kong tinignan ang presyo. Napangiwi ako sa sobrang mahal niyon. Wala na talaga akong pag-asa. Ang mahal maging maganda. Paano naman ang mga tulad kong pangit na, mahirap pa? Nalulungkot kong binitawan ang mga iyon. Tinignan ko ang ibang klase ngunit ginto din ang mga presyo. Wala ata talagang mura doon. Sunod kong pinuntahan ang stand ng mga make-up. May isang babaeng nakabantay doon. Alanganin itong ngumiti sa akin. “Hello, Ma’am. Anong hanap mo? Lipstick? Foundation? Concealer?” Naiilang ako sa kanya. Wala naman akong balak bumili. Titingin lang naman ako. Hindi ba pwedeng payapa lang akong na tumingin sa mga make-up? Bakit kailangan nilang lumapit kahit hindi naman sila tinatawag? Hindi ko nakayanan ang pagsunod-sunod niya sa akin kaya naman lumipat ako sa kabilang brand ng make-up. Ngayon ko lang napansin na meron din palang bantay doon at tulad ng sa kabila ay ganoon din. Nilibot ko ang tingin at maging sa mga susunod pa ay may mga babaeng nakabantay din. Lahat sila ay kuryosong nakatingin sa akin. Hindi nakatakas sa akin ang pagpasada ng kanilang tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Bigla itong nagbulungan at nagtawanan. Naramdaman ko ang kaunting hapdi sa akin puso kaya naman napagpasyahan kong umalis na doon. Dumiretso na lamang ako sa grocery at binili ang mga pangangailangan ko sa bahay. Hindi na ako nagtagal dahil masyado na kong kota sa mga mapang-insultong tingin ng mga tao na nakapaligid sa akin. I haven’t done anything wrong. Sadyang wala lang akong maayos na damit. Hindi din naman ako marunong magstyle kaya hinayaan ko nalang na nakatiwangwang ang malalaking tela ng aking damit. Hindi kaaya-aya tignan ngunit wala akong magagawa. Pagod akong umuwi sa bahay. Walang buhay kong inayos ang aking mga pinamili at pagkatapos ay sumalampak ako sa aking kama. Kinuha ko ang aking pahabang unan at niyakap iyon. Kasabay niyon ay ang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Ilang beses ko ng sinasabi sa sarili ko na dapat na kong masanay sa ganoong turing sa akin ng tao. Dapat ay namanhid na ako sa sakit na dinudulot niyon. Dapat ay wala na akong pakialam ngunit sa tuwing napapag-isa ako sa aking kwarto, sa tuwing inaalala ko ang lahat ng mapanuyang tingin at tawa nila sa akin, para akong sinasaksak ng libo-libong karayom sa aking puso. Nakakalungkot lang dahil bakit kailangan ko itong maranasan ng paulit-ulit? Sinisikap kong maging maayos ang pakikitungo sa lahat ngunit ganito lagi ang ganti nila sa akin. Tanging si Ate, si Lola Grace, sila Charles at Ma’am Irina lang ang may magandang tungo sa akin. Naalala ko ang ginawang pagligtas sa akin ni Sir Marco kanina. Siya rin pala, hindi hinusgahan ang itsura at pananamit ko. Lalong umigting sa akin ang kagustuhan na mapansin niya ngunit paano ko iyon magagawa? Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa unang klase. Nakita ko agad ang mga kaklase ko para sa huling subject at binigay sa mga ito ang kanya-kanyang assignment. Wala akong natanggap na kahit ano sa kanila maliban sa pera. Pagalit pa nga nilang kinuha ang papel. Napahinga ako ng malalim habang bumabalik sa aking pwesto. Para naman akong may nakakahawang sakit sa mga ginagawa nila sa akin. Hindi naman sila mahahawa sa kapangitan ko, huwag silang mag-alala. Walang nangyaring interesante sa araw na iyon. May assignment ako sa araw na iyon at may dalawa akong kaklase na nagpapagawa din. Gagawin ko nalang iyon sa petshop mamaya. Nagbihis ako ng uniform saka naglakad patungo sa shop. Sabay na umangat ang tingin sa akin ni Charles at ni Sir Marco. Wala si Ma’am Irina sa labas at malamang ay nasa opisina ito, nakabusangot at nanggigil nanaman. “Hello, Gabby! Mabuti at nandito ka na, kanina pa ako alis na alis dahil may date ako.” Nagkamot ito sa batok at tumawa. I was so nervous while walking near them. Lalo pa’t nakangiting nakamasid sa akin si Sir Marco. “Kamusta ang paglilibot mo sa mall kahapon?” Bati niya sakin. Pinalitan ko si Charles sa counter habang pumasok ito sa CR at nagbihis. “Okay lang po. Salamat po ulit sa ginawa niyo kahapon…” “Wala iyon, Gab. That kind of people shouldn’t be tolerated.” Muling tumalon ang puso ko sa pagtawag niya ng Gab sa akin. May kakaibang saya na dulot iyon at tila lalo lamang akong nahuhulog. Nahihiyang ngumiti ako dito. Nakita kong wala naman itong dala na kahit sino sa mga alagang aso kaya naman nagtaka ako kung bakit siya naririto. Siguro ay para maasar nanaman si Ma’am Irina. “Pwede bang dito na muna ako? Ayaw naman akong kausap ni Irina sa loob. Pinagmumura na nga ako.” Humahalakhak sa sabi nito. Tumango ako sa kanya at hindi pinahalata ang sayang bumabalot sa aking pagkatao. Lumabas ang malalim niyang dimple dahil sa malakas na pagtawa nito. Hindi ko namalayan na napapatitig na ako sa kanya. Naramdaman ko ang mahinang pagsiko sa akin ni Charles. Hindi ko napansin na nakabalik na pala siya. He wiggled his brows and his smile protruted. Halos mag-init ata ang aking mukha sa mapang-asar niyang tingin sa akin kaya nagpanggap akong abala sa paglalabas ng aking mga gamit. Sir Marco immediately stopped laughing when he saw my notebooks. “College ka na ba?” Kuryosong tingin nito. Bago ako makasagot ay inunahan ako ni Charles na magsalita. “Opo sir, college iyan at ready to mingle.” Napanis ang aking ngiti dahil sa sinabi ni Charles. Parang gusto ko siyang tirisin ngayon dahil sa nakakahiyang sinabi nito. Ang lakas mang-asar! Tumawa si Sir Marco. Tuluyan ng nag-init ang aking mukha. “That’s nice. But you seem young, may boyfriend ka na ba?” Kaswal na tanong niya. Naramdaman ko ang matinding kaba sa tanong niyang iyon. Hindi ko alam kung bakit ko iyon nararamdaman ngunit nakakaba kapag sa kanya galing. Kung iba ang nagsabi niyan ay maiinsulto siguro ako. Sa pangit kong ito, magkakaboyfriend ako? Pwede kaya iyon? Magsasalita na sana ako nang sumabat nanaman si Charles. Matalim ko siyang tinignan. “Wala pa iyang boyfriend, Sir. Baka may kilala ka at ipakilala natin para maranasan ng mainlove.” Hindi na ako nakapagpigil at kinurot ko na siya sa kanyang tagiliran. Mahina siyang napadaing bago tumawa ng malakas. Sinabayan pa iyon ni Sir Marco. Ang gagaling. “Really? Why?” Hindi makapaniwalang napatingin ako kay Sir Marco. Seryoso ba talaga siyang nagtatanong sa aking kung bakit? Malabo na ba ang mga mata niya at hindi niya makita na hindi naman ako maganda? Nobody will try to court me. Nobody will even want to be with me. Alam kong nakakasuyang makita ang itsura ko kaya hindi na ako umaasa na mararanasan ko ang pag-ibig na iyan. Isa pa, masyado pa akong bata. 16 pa lang ako ngayong taon at wala pa akong malay sa mga ganyang bagay. Hindi rin naman ako nagmamadali na makaranas ng ganoon. “Wala naman pong nagkakagusto sa akin. Saka hindi pa po ako handa.” Mahina kong sabi. Natahimik ang dalawang lalalaking kasama ko. Naramdaman ko ang pag-akbay sa akin ni Charles. “Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan. Sadyang wala pang lalaking nakakakita ng kabutihan sa puso mo.” Wala na ang mapaglarong ngiti sa mukha nito. He’s assuring me now with his smile. Matapos ang ilang minuto ay nagpaalam na ito at naiwan nalang kami ni Sir Marco sa loob ng shop. He was busy looking at me quietly. Nabalisa ako sa klase ng tingin na binibigay niya sa akin kaya naman itinuon ko na lamang ang aking pansin sa aking notebook at nagsimulang gumawa ng assignment. “You should stop degrading yourself. Learn to love your flaws instead of putting all the negative thoughts stuck inside your head. It won’t do good on you.” Mataman ang kanyang tingin at seryoso ang kanyang boses habang sinasabi niya iyon. Napatigil ako sa pagsusulat dahil doon. Tumatatak sa akin ang mga sinasabi niya. Naramdaman ko ang kaunting kirot sa aking puso dahil tama siya. How can someone love me when I can’t even accept myself. I can’t love everything about me and I’m thinking the worst of me. Wala akong tiwala ay kumpiyansa sa aking sarili at hindi ko alam kung paano ko gagawin ang sinasabi niya. I tried. God knows I tried to start loving myself but everytime I’m seeing other people’s look on me, everytime I’m hearing their insulting words, the self-esteem I’m trying to build little by little keeps on crashing into small tiny pieces. Ang hirap sumubok lalo na at hindi ako napapaligiran ng mga taong mapang-unawa. Tanging ang mga katrabaho ko lang dito sa petshop at si Lola Grace ang nakakatanggap sa akin. Ngunit dahil sa sinabing ito ni Sir Marco, pakiramdam ko ay nadagdagan ako ng lakas ng loob para sumubok ulit. “Salamat po, Sir.” Nakayuko kong sabi. Ngumiti lamang siya sa akin at dumuwang sa aking notebook. Muntik akong mapaatras dahil sa biglaang paglapit niya sa akin. Nalanghap ko ang mabango nitong pabango. Nagkaroon din ako ng pagkakataon na mas mapagmasdan ang kanyang mukha. Ito na ata ang pinakamalapit na beses na nakita ko siya. “What’s your course?” Amoy mint ang kanyang hininga. Grabe, buong pagkatao niya ata ay mabango. Nakakainggit. Hindi ata siya nag-aamoy pawis at amoy araw. Iba talaga kapag mayayaman. Halos bumagsak ako sa aking kinauupuan nang humarap ang kanyang mukha sa akin. Masyadong malapit! Umusbong ang matinding kaba sa akin. Lumayo ako at nagpanggap na may nililinis sa katabing lamesa. “Ang dumi naman…” Pasimple akong sumilip sa kanya. Ganoon nalang ang kaba ko nang makita ang mukha niya. His eyes were sparkling and his lips has a ghost of smile. Lalo akong nabalisa. Bakit ba ganyan siya makatingin sa akin? “Parang wala naman akong nakitang dumi diyan kanina?” Mapaglaro ang kanyang boses. I felt my face heated up with his remark. Wala talaga dahil nagpapalusot lang naman ako! “Meron po.” Makulit siyang umiling. Natatawa pa ito sa reaction ko. “Wala naman.” “Sir, huwag po kayong makulit kasi meron nga po.” Hindi na ako makatingin sa kanya. Alam kong sa oras na magtama ang aming mata ay lalo lang niyang makukumpirma ang kung ano mang nasa isip niya. “Yeah, sure.” Mabuti naman at sumuko rin. Bumalik ako sa aking pwesto. Inusog ko ang upuan palayo sa kanya para hindi na muling maulit ang nangyari. Nagpatuloy ako sa pagsusulat at hindi muna siya tinignan ulit. Lalo lang akong madidistract kapag nakita ko nanaman ang mukha niya. “You’re not answering my question.” Biglang napaangat ang aking tingin sa kanya. Nakapangalumbaba ito habang direkta ang mata sa akin. Ano na nga ba ulit ang tanong niya? Hindi ko na agad maalala. Grabe naman kasi ang lapit ng mukha niya kanina. “Ano po iyon ulit?” “Anong course mo?” “Architechture po.” Dumaan ang pagkamangha sa kanyang mukha. “Wow! That’s a five-year course right?” Hindi ko napigilan ang pagngiti. “Opo, gusto po kasi namin ng Ate ko na maging arkitekto ako. Bata pa lang po ako ay hilig ko na ang pagdrawing. Pangarap ko po kasing makapagdisenyo ng sarili kong bahay kapag nakatapos na ako.” Dahil hindi naman kami mayaman at wala kaming sariling bahay, bata pa lang ay nakahiligan ko ng gumuhit ng iba’t-ibang disenyo ng bahay. Hindi ko na mabilang ang mga iyon dahil gustong-gusto ko maranasan ang magkaroon ng maayos, maganda at sariling bahay. Inggit na inggit ako noon sa tuwing nakakakita ako ng malalaking bahay na may napakagandang exterior. Sinabi ko sa sarili ko na balang araw, magagawan ko rin kami ng ganyang kagandang bahay. Iyon na ang regalo ko para kay Ate para sa lahat ng sakripisyo niya sa akin. “That’s amazing. Woman with dreams is a turn on after all.” Nagtama ang tingin namin. His eyes are holding so much intensity at hindi ko kinakaya iyon. Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko na kinakayanan ang t***k ng aking puso. Lumabas si Ma’am Irina galing sa kanyang office. “Nandito ka parin!?” Iritable ang boses ni Ma’am sa kanya. Humalakhak si Sir Marco dahil sa naging asal ni Ma’am Irina. “Highblood ka parin?” Inirapan niya ang lalaki. “Part-time, sabihin mo lang sa akin kapag ginugulo ka ng unggoy ka ito para mapaban ko siya sa petshop natin.” “Ay, Ma’am, hindi naman po. Mabait naman po si Sir Marco sa akin.” “Kahit na! Kapag may ginawa or sinabing kalokohan sayo, kahit isang beses lang, sabihin mo agad at ibaban ko talaga iyan!” Hindi ko napigilan ang mapangiti kay Ma’am. Sukdulan talaga ang pagkairita niya kay Sir Marco. “Sungit mo talaga, Irina. Huwag mo naman ako iban, paano naman na makakapasok ang alaga ko sayo?” Napahawak ako sa aking mukha dahil ayaw ko man ay naintindihan ko ang ipinapahiwatig ni Sir. Tumili si Ma’am Irina at binato ng ballpen si Sir Marco, mabuti nalang ay nakailag ang lalaki. “Bastos ka talaga! Animal ka!” Humagalpak ng tawa si Sir Marco. Nagpaalam na si Sir Marco sa akin dahil ipinagtatabuyan na talaga siya ng boss ko palabas. “Lintek na iyon! Wala ng lumabas na matino sa bibig kundi puro kabastusan. Napakawalanghiya.” Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay natutuwa lang naman si Sir Marco na asarin si Ma’am Irina. Grabe kasi talaga makapagreact si Ma’am sa bawat green jokes ni Sir. Maaliw ka lang talaga. Kanina naman kasi ay hindi siya ganoon makipag-usap sa akin. He was serious. He was even encouraging me to love myself. Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon sa kanya dahil malayo iyon sa paraan ng pakikipag-usap niya kay Ma’am Irina. Natapos ang gabing iyon, kumaway ako kay Ma’am Irina bago tuluyang makaalis ang kanyang sasakyan. Niyakap ko ng mabuti ang bag na aking dala saka naglakad na pauwi. Pagkarating sa apartment ay napansin kong wala si Lola Grace na nag-aabang sa akin. Mukhang absent nanaman siya ng ilang araw nito. May mga pagkakataon kasi talaga na bigla nalang siyang nawawala ng ilang araw at asahan mong pagbalik niya ay marami na itong dalang gamit. Siguro ay umuuwi siya sa bahay ng kanyang apo sa tuwing wala siya dito. Napailing na lamang ako at pumasok sa aking apartment. Sa susunod ko na lamang ikukwento sa kanya ang nangyari ngayong araw. Binuksan ko ang ilaw ng aking apartment at nabigla ako ng makita si Ate Maricar doon. “Surprise!” Nanlaki ang aking mata. Binaba ko ang aking gamit sa lamesa at tumakbo palapit sa kanya. “Ate!” Niyakap ko siya ng mahigpit. Miss na miss ko si Ate. Huling umuwi siya noong Pasko. Halos pitong buwan na din mula nang huli kaming magkita kaya naman tuwang-tuwa ako na nasa harapan ko siya ngayon at nayayakap ng mahigpit. “Bakit hindi ka nagpasabi, Ate? Sana ay umabsent nalang ako sa part-time ko.” Ngumiti siya sa akin. “Gusto kitang isurprise, Gabby. Miss na miss ko na kasi ang kapatid ko kaya naman nang sinabihan ako ng amo ko na uuwi sila ng Pilipinas, pumayag agad ako nang itanong kung sasama ba ako. Pagkakataon na rin iyon para makasama ka kahit sandali lang.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD