Walang maramdaman ang puso ko kundi purong sakit habang pinapanuod sila. Sobrang nasisiyahan pa nga ang mga ito para hindi mapansin na nandito ako. Maingat kong sinara muli ang pinto. Mabagal akong naglakad palabas hanggang sa makalabas ako sa mismong room. Napabuga ako ng malakas na hangin saka lumabas ang lahat ng luha na pinipigilan ko kanina pa. Napasandal ako sa dingding. Naramdaman ko ang labis na panginginig at panghihina ng tuhod ko at napaupo ako sa sahig. Parang pinupunit ang puso ko habang paulit-ulit na nag-replay sa utak ko ang nakitang kataksilan. Napahagulgol ako. Sobrang sakit. Napakasakit. Mahal na mahal ko siya at naniwala akong hindi niya ako sasaktan. Nagtiwala ako sa kanya na hindi niya ako lolokohin. Naniwala akong nagbago siya at nagseryoso para sa aki

