Tulala ako habang nasa kwarto ng hospital. Nalinisan na ang sugat na natamo ko sa katawan. Nalagyan narin ng benda ang braso ko at sabi sa akin ng doctor ay kailangan kong magpahinga ng halos dalawang linggo. Bawal kong pwersahin ang katawan ko na kumilos. Gusto kong tanungin ang doctor kanina kung meron din ba silang magagawa para sa sugat sa puso ko. Lauren was pronounced dead on arrival. Matapos kong marinig iyon ay parang malaking parte ng puso ko ay namatay din kasama niya. Pinaliwanag ng doctor na matagal na palang tumigil sa maintenance si Lauren kaya naman ang huling na taning sa kanya ng doctor ang maaaring magkatotoo kung sakaling hindi nangyari ang aksidenteng ito. Iyak ako ng iyak dahil pakiramdam ko napakalaki ng kasalanan ko sa kanya. Wala akong kwentang bestfriend dahi

