Mahigpit akong niyakap ni Ate Maricar nang makita ako sa suot na wedding gown. Mangiyak-ngiyak ito habang namamanghang nakatingin sa akin. “Sobrang masaya ako para sayo. You deserved this, Gabby…” Mahinang sabi niya sa akin. Tumingala ako para mapigilan ang mga luhang gustong kumawala sa mata ko. Ayokong masira ang make-up ko. Hindi pa man ako nakakarating ng simbahan, iyak na ako agad ng iyak. “Salamat, Ate. Maraming salamat sa lahat ng nagawa mo sa akin, Ate.” Madamdamin kong sabi dito. Matamis siyang ngumiti sa akin. Alam kong alam niya kung ano ang tinutukoy ko doon. Ipinagpapasalamat ko sa kanya ang lahat ng ginawa niyang sakripisyo sa akin. Nagpapasalamat ako dahil kung hindi siya naging matatag para sa amin ay baka wala ako sa sitwasyon kong ito. Iginapang niya ang pag-aaral k

