Drown Tumatak sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Arianne. Hindi na ako nagtataka kung bakit pinili siya ni Damiel. May puhunan naman pala ang kanilang relasyon,hindi katulad namin. Napagtanto ko na kailangan ko ng umiwas sakaniya. Ayaw kong maging pang gulo sakanilang dalawa. "She said that?!" gulat na utas ni Atarah. Hindi ito makapaniwala na magkababata sina Damiel at kurpimadong may relasyon na ang dalawa. Sinusubukan ko siyang pakalmahin dahil halos maghisterya na siya. Ayaw ko naman may marikinig samin mula sa aming mga kaklase. "Oo Ta, hayaan mo na. Narealize ko, wala naman talaga akong pinanghahawakan samin ni Damiel hindi ba? It's just that, nagkamali ako na nagtiwala ako agad at isinuko ang aking sarili." malungkot kong pahayag. Hinawakan ni Atarah an

