Mine Pagkatapos kong kumanta ay nagpalakpalakan ang mga tao. Napatingin ako sa gawi ni Damiel at nakita kong nasa tabi na nito si Arianne at nakahawak sakaniyang braso maganda ang ngiti. Buti pa siya. Samantalang ako ay ilang luha na ata ang aking nabuhos ngayong gabi. Bumalik kami kina Atarah na nakatayo katabi ni Aki at Ate Des. Nagpupunas na ito ng luha. Malungkot ko siyang nginitian. "Clea.. I'm sorry.. Wala akong magawa.." sabi nito at lumandas ang luha sakaniyang mata agad naman niya itong pinalis. Umiling lamang ako. "Wala kang kasalanan.." malungkot kong sabi. Napatingin kami sa stage dahil agaw atensyon ang pagtayo rito ni Arianne. Is she going to sing? Hawak niya kasi ang mic. "Good evening everyone! May I have your attention please! As yo

