Sa Garden "Pupunta ba tayo? Huwag na! Baka kung ano pang masabi ko sa kaibigan niyo!" iritang angil ni Tarah. Nandito kami ngayon sa isang sikat na coffee shop dahil biyernes ngayon ay pwede muna kaming mag gala gala. Pinadalhan kami ni Damiel ng Invitation para sakaniyang kaarawan na gaganapin bukas. "Gusto mo bang pumunta?" seryosong tanong ni James. Nagkibit balikat lamang ako. "Bakit ako? Kung gusto niyong pumunta ay pumunta kayo. Wala naman problema sa akin." I smiled at them. "Ofcourse your opinion matters Clei. Gusto namin na makapagusap kayo ni Damiel." nabigla ako sa seryosong pagsalita ni Aki. "Hay! Sige na, gusto ko nadin naman siyang makausap. Para malinaw ko na kung ano ba gusto niya para saming dalawa." tumatango tango kong sabi. Kinagabihan ay hin

