Badminton Mula nung araw na iyon ay hinayaan ko nalang na ganun ang trato ni Damiel sa akin. Hindi na din muna ako dumalaw sa mansyon. Natatakot ako na baka makita ko si Don Francis at Damiel. Hindi naman ako nalulugmok sa school dahil laging nandiyan sina Atarah para sakin. Paminsan minsan ay lumalabas kaming apat. Naliligo sa talon o dagat. Minsan naman ay nag iikot sa mall. Hindi ako iniiwan ni James. Minsan nga ay tinatanong ko siya baka nagagalit na si Wynona dahil pansin ko mas madalas niya akong kasama. Sabi niya ay hindi naman dahil bilin din daw ni Wynona na samahan ako. Hatid sundo niya ako mula school hanggang pag uwi. Kahit tanggihan ko siya ay nagpupumilit talaga siya. PE period namin ngayon. Ayaw ko talaga ng ganito dahil hindi ako sporty. Today we'll going to

