Hope Sa loob ng isang buwan na walang paramdam si Damiel ay ginugol ko na lamang ang aking panahon sa pagbake. Gusto kasing magbusiness ni Kuya sa Manila about pastries and coffee and he wants me to choose kung ano ang masarap iserve. Ayaw ko namang mamili na lamang online gusto ko ay ako mismo ang gagawa at titikim para malaman ko kung masarap pa. At isa pa, this will be our business soon kaya I want to be hands on with this. Gustuhin man ni Ate Sab tumulong ay hindi niya maiwan si Baby Chiena. Tuwing umuuwi dito sa Ilocos si Kuya ay nagdadala ito ng mga kagamitan. From ingredients to equipments. Today I am doing a new york cheesecake. Madali at simple lang muna before I proceed to the complicated ones. Balak ko din gumawa nito para sa birthday ni Damiel next week. Ito na

