Dare Matapos namin kumanta ay dumiretso kami sa isang table at saka umupo. Umorder din ako ng kape kay kuya para samin ni James. "Nakakainis ka! Bakit bigla ka nalang sumusulpot? How did you found me?" nakangiti kong tanong. James features has not changed. Still the handsome guy that I liked before. Mas manly nga lang siya ngayon at nagkabalbas. "Palagi akong dumadaan dito, hindi ka na kasi nagparamdam noon kaya siyempre hinanap kita. Kamusta na ba?" nakangiti din nitong tanong. "Okay lang ako! Guess what? Nagmamanage na ako ng Hotel ngayon! Si Wynona ba kamusta? Nakauwi na ba siya? Ilang years na ba? 4? 5?" sunod sunod kong tanong sa sobrang excitement. "Talaga? Anong Hotel yan? Oo andito si Wynona. Saka alam mo ba? May anak na kami." nanlaki ang aking mga mata sa kani

